Filtered By: Showbiz
Showbiz

FIRST READ ON PEP: Queenie Padilla now happily married to non-showbiz guy




(Ang panganay na anak ni Robin Padilla kay Liezl Sicangco na si Queenie Padilla ay nag-asawa na at kasalukuyang nakabase sa Dubai.--Photo: Robin Padilla Instagram/Queenie Padilla Facebook)

 
Happily married na sa isang non-showbiz guy si Queenie Padilla na kilala ngayon sa kaniyang Muslim name na Mashel Khadija Mir.

Kinumpirma ni Queenie sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang kanyang 'married' status ngayong araw, June 9, sa pamamagitan ng palitan ng mensahe sa BLOG ng dating Kapamilya actress.

BASAHIN: Anak ni Robin Padilla na si Queenie, titigil na sa pag-aartista

Unang napansin ng PEP ang tungkol sa pagkakaroon ng asawa ni Queenie sa bio nito sa kanyang Instagram, kung saan inilarawan niya ang sarili bilang “wifey.”

Maging sa public account ni Queenie sa Facebook ay makikita sa kanyang profile ang tungkol sa kanyang 'married' status.

Gayunman, tila nais ni Queenie na panatilihing pribado ang tungkol sa kanyang buhay may-asawa, lalo pa’t hindi pa niya ipinapakita ang mukha ng kanyang mister sa mga larawang ipino-post niya sa kanyang BLOG at social media accounts.

Ang tanging ibinahagi niya sa kanyang Facebook followers ay isang throwback couple photo, kung saan parehong nakatalikod si Queenie at ang kanyang napangasawa.

Sabi ni Queenie sa kanyang FB post noong January 4 ngayong taon, “I still remember that moment like it was yesterday.... ‪#‎hubby ‪#‎nikkah #2012.”

Ang salitang “nikkah,” ayon sa islam.about.com, ay isang legal contract sa pagitan ng bagong kasal sa ilalim ng relihiyong Islam.

Hindi malinaw kung ang eksaktong petsa ng kasal ni Queenie at ng kanyang non-showbiz husband ay Enero ngayong taon o noon pang 2012. 

Bunsod nito, ilan sa Facebook followers ni Queenie ang nagtatanong kung “2012’ pa siya kinasal.
Nang tanungin ng PEP kung totoong kasal na siya noon pang 2012, ito ang sagot ni Queenie: "I've been [married] since September 2012."

Sa hiwalay na Facebook post ni Queenie noong March 6, nabanggit niya na wala pa silang planong magkaanak ng kanyang mister na tila halos kasing-edad lang din niya.

Aniya, “I want to enjoy my married life first, grow more as a person, and learn more about Islam before having a baby.”

Base pa rin sa Facebook posts ni Queenie ay kasalukuyan siyang nakabase sa Dubai at abala sa paglunsad ng sarili niyang “Muslim clothing line.”

Read more at http://www.pep.ph/news/53409/first-read-on-pep-queenie-padilla-now-happily-married-to-non-showbiz-guy-joins-dad-robin-padilla-in-spain-for-vacation#Mk0cWcP5ogTOAvkm.99