Filtered By: Showbiz
Showbiz
Carla Abellana, aminadong tumaba nang kaunti, pero dedma sa bashers tungkol dito
By ARNIEL C. SERATO, PEP
Sabi ng 28-year-old Kapuso actress, “No. I think it comes with age.
"I would say, kung ano yung tinray ko at lahat ng ginawa ko before, kahit gawin ko ngayon, hindi gumagana.
"So, yun, hindi ko alam."
Dahil sa kanyang pananaba, marami ang nangba-bash ngayon kay Carla sa social media, partikular na sa kanyang Instagram account.
Nasasaktan ba siya sa mga panlalait na kanyang natatanggap?
Tugon ng actress-TV host, “No, no... sanay na ako siyempre.
"Hindi rin mawawala yun. Ke payat ka, ke mataba ka, lalaitin ka nila."
May mensahe ba siya sa mga nangba-bash sa kanya?
Nakangiting sagot ng Karelasyon host, “Wala. Hindi sila worth the attention and time.”
Sa ngayon daw ay nagwu-workout na si Carla at kailangan pa raw niyang magbawas ng ilang pounds.
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Carla sa pictorial niya para sa bagong anti-aging product na kanyang iniendorso mula sa ATC Healthcare, Huwebes ng gabi, June 4, sa Solaire Resort and Casino, sa Pasay City.
Ang photographer ni Carla para sa nasabing photo shoot ay ang pamosong fashion photographer at dating model na si Nigel Barker, na lumipad mula Amerika para sa kanyang ilang araw na trabaho dito sa Pilipinas, kabilang na ang pictorial ng Kapuso star. —PEP
Tags: carlaabellana
More Videos
Most Popular