Filtered By: Showbiz
Showbiz

AiAi delas Alas recounts journey from being saleslady to sing-along master to Comedy Queen



 
Inspiring na masasabi ang naging takbo ng buhay ni Ai-Ai delas Alas. 

Galing siya sa hirap at hindi raw niya inasahang mararating niya ang posisyong kinalalagyan niya sa ngayon.

Kuwento niya, “Dati akong saleslady 'tapos nag-training din ako sa DFA [Department of Foreign Affairs], pero sandali lang.

“Naging secretary din ako ng Bulwagang Gantimpala, pero sandali lang din ‘yon.”

Paano siya napunta sa comedy bar?

“Kasi meron akong barkada na nasa Amerika na ngayon na mahilig sa sing-along. 

“E, mahigpit ang nanay ko at nakakalabas lang ako kapag nagtatampo ako sa kanya at naglalayas ako.

“Nung time na naglayas ako, isinama ako ng friend ko sa Music Box. 

“E, siyempre hindi naman ako umiinom talaga, kaya nung medyo nalasing ako, pinakanta ako ngayon.

“Hindi ako marunong kumanta. E, tuwang-tuwa sa akin yung may-ari kasi ang kanta ko, walang lyrics.

“So, talagang ano… itinodo ko talaga na sumasayaw din ako. 

“Feeling ko, akin yung sing-along!” natawang pagbabalik-tanaw ni AiAi.

Patuloy niya, “In-invite ako ng may-ari na mag-perform nang regular. 

“Sabi ko, ‘Hindi po ako marunong, hindi po ako performer.’

“Sabi niya, ‘Magpi-perform ka para sa akin lang.’

“Magpi-perform para panoorin niya, pero actually, siyempre, para na rin sa ibang tao ‘yon.

“Kakanta ka kapag wala pang gustong kumanta. Pero kapag may kumakanta na, ikaw naman ngayon ang host.

“Kaya iyon nga ang training namin. Yung mga nasa sing-along, mabibigat ang training niyan.

“E, nung time na ‘yon, ako pa lang ang babaeng sing-along nun, e. Wala pang ibang pumasok."

Halos kasabayan daw niya sina Arnell Ignacio at Allan K.

“Nauna lang sina Arnell 'tapos si Allan K. Silang dalawa lang nun ang sing-along master.

“At ako lang mag-isa yung babae. Kaya nung pumasok ako, wala akong kasabay.”

Magkano ang kanyang talent fee? “Two hundred a night. 1986 ‘yon, kaka-graduate ko lang ng college.

“E, magkano lang naman noon? Kumbaga, sini-share ko pa rin nga ‘yon sa boyfriend ko, kaya pa, e.

“Two hundred. Tig-one hundred kami!” tawa ni AiAi. Hanggang na-discover daw siya ng movie reporters noong panahon na ‘yon na sina Nap Gutierrez at Alex Marcelino.

“Tambay sila dun [Music Box] 'tapos tawang-tawa sila sa akin kapag nagpi-perform ako.

“So ‘yon, kinuha nila ako at pinag-perform 'tapos ginawan nila ako ng show.

“At dun na nagsimula ang lahat.” -- For the full story, visit PEP.