Filtered By: Showbiz
Showbiz

LOOK: Angel Locsin's message for late boyfriend Miko Sotto


 
Mahigit sampung taon na ang nakalilipas mula nang pumanaw ang dating boyfriend ni Angel Locsin na si Miko Sotto.
 
Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakalimutan ng aktres na dalawin ang puntod ng yumaong aktor sa Loyola Memorial Park, sa Marikina City, sa mga espesyal na okasyon.
 
Gaya na lamang kahapon, May 10, na ika-33 kaarawan sana ni Miko.
 
Pumanaw si Miko noong December 29, 2003, matapos mahulog sa tinitirhan nitong condominuim unit sa Mandaluyong City.
 
Kahapon, sa kanyang Instagram account (therealangellocsin) ay nag-post si Angel ng larawan ng isang kumpol na mga puting rosas na nasa ibabaw ng puntod ni Miko.
 
Isang simpleng “Happy birthday miks!” ang caption dito ng aktres.
 
 

Happy birthday miks!

A photo posted by Angel Locsin (@therealangellocsin) on

 
Si Miko ay anak nina Ali Sotto at Maru Sotto, ang nakababatang kapatid ng Eat Bulaga! hosts na sina Tito at Vic Sotto. 
 
Marcelino Antonio Carag Sotto III ang buong pangalan ni Miko, at 21 years old lamang siya nang namatay.
 
Sa ika-sampung anibersaryo ng kanyang kamatayan noong December 29, 2013, ay dinalaw rin ni Angel ang kanyang puntod. —PEP