What Robin Padilla thinks of daughter Kylie's new boyfriend
Hiningan ng komento ng PEP.ph si Robin Padilla tungkol sa nababalitang bagong boyfriend ng kanyang anak na si Kylie Padilla.
Kumalat sa social media ang litrato ni Kylie kasama ang rumored boyfriend nito na nagngangalang Matt Henares, anak nina Ronnie at Yda Henares na pinsan din ng Kapuso actress na si Rhian Ramos.
“Kung ano ang ikaliligaya ng anak ko, maligaya na rin ako.
“Hindi na natin kasi mapipigilan ang paglaki at pagtanda ng mga anak natin. Nasa stage na sila na kaya na nilang magdesisyon para sa sarili nila.
“Alam ko naman ang mga nangyayari sa buhay ng mga anak ko at masaya akong makitang masaya rin sila.
“Bilang ama, iyon ang gusto kong makita sa mga anak ko. Yung masaya sila,” ngiti pa ni Robin.
Kung dati'y hindi pabor si Robin sa pakikipag-boyfriend ni Kylie kay Aljur Abrenica, ngayon ay tila mas kampante na siya sa sitwasyon nito kay Matt.
“Sabi ko lang kay Kylie na huwag masyadong seryoso. Bata pa naman siya. Mag-enjoy lang siya.
“Ayoko kasing mabalitaan na nalulungkot ang mga anak ko.
“Gusto ko ay parati silang masaya sa buhay nila,” pagtapos pa ni Robin. -- PEP
For the full story, visit PEP.