Filtered By: Showbiz
Showbiz

Andrea Torres denies relationship with Sef Cadayona


Kasalukuyan nasa Phnom Penh, Cambodia ang Kapuso actress na si Andrea Torres para sa shooting ng Blood In Dispute, ang drama series ng pinagsanib na puwersa ng GMA Network at CTN o Cambodia Television Network.
 
“Mas mainit daw po doon, sabi,” ayon kay Andrea nang makausap namin noong April 14, ilang araw bago sila lumipad ni Mikael Daez patungo sa nasabing lugar.
 
Dahil trabaho iyon, isisingit na lamang daw ni Andrea ang pagsu-swimming sa pool ng hotel na kanilang tutuluyan.
 
Dati na raw nakapunta sa Cambodia si Andrea kasama rin si Mikael; ito ay para sa Sana Ay Ikaw Na Nga na inere sa Cambodia noong 2014.
 
Kuwento niya, “Nakapag-tiange po ako, 'tapos yung mga food. Nag-try po kami ng tarantula ni Mikael. Parang ano, parang adobo. Chewy na may parang white sa loob.
 
"May video nga si Mikael, e. Ang laki kasi tapos ramdam na ramdam mo yung paa!” at tumawa si Andrea.
 
BIRTHDAY WISH. Twenty-five na si Andrea sa May 4, at nasa Cambodia pa rin siya sa araw ng birthday niya.
 
“Work every day po kami dun, e.”
 
At malayo siya sa mga espesyal na tao sa buhay niya, “Yes.”
 
Wala bang susunod sa kanya doon sa mismong kaarawan niya para mabati at makapiling siya?
 
“Wala naman.”
 
Kasama raw ni Andrea ang mommy niya sa Cambodia.
 
“Halos every year po, 'pag birthday ko may work ako, so feeling ko okay yung ganun.”
 
Ang birthday wish ni Andrea: “More projects talaga. Or ano, makumpleto yung family, kasi may isa pang nasa Australia. Yung brother ko. Working siya dun.”
 
LOVELIFE. Samantala, tulad nina Mikael at Megan Young, walang inaamin sina Andrea at Sef Cadayona tungkol sa bulung-bulungang relasyon sila.
 
Kumusta ang lovelife niya?
 
“Happy and content!” at tumawa si Andrea. “Single.”
 
Kailan naman sila "aamin" ni Sef?
 
“Walang aaminin!” ang tumatawang bulalas niya.
 
“Hindi, wala akong aaminin. Single po talaga ako.” -- Rommel Gonzales, PEP
 
For the full story, visit PEP.

Tags: andreatorres