Filtered By: Showbiz
Showbiz

Rachelle Ann Go hints at coming home after Miss Saigon stint



 
Rachelle Ann Go (right) has decided not to extend her role as Gigi in the West End musical Miss Saigon and hints at going back to the Philippines. The Pinay singer-actress will be replaced by Natalie Mendoza (left), a Filipino-Australian actress. PHOTO: RACHELLE ANN (PHOTO FROM INSTAGRAM)



Final na ang desisyon ni Rachelle Ann Go na huwag nang i-extend ang kanyang role bilang Gigi sa ikalawang taon ng West End revival musical na Miss Saigon, na itinatanghal sa Prince Edward Theatre, London, England.

Sa katunayan, mayroon na siyang kapalit bilang Gigi—ang Filipino-Australian actress na si Natalie Mendoza.

Ito ay sa kabila ng mga papuri at karangalang natanggap ni Rachelle sa kanyang pagganap sa musical na unang sumikat noong 1980s at nagluklok kay Lea Salonga bilang international Broadway star.

Magsisimula ang extension ng Miss Saigon sa Mayo 11 at inaasahang magtatapos sa December 19.

Sa kanyang Twitter account, nagpahiwatig si Rachelle kung ano ang plano niya pagkatapos ng kanyang stint bilang Gigi sa Miss Saigon.

Nang tanungin ng isang follower kung ano ang kanyang susunod na hakbang, ang tugon ni Rachelle: “Maybe back to the Philippines?”
 
Isa namang tagahanga ni Rachelle ang nanghinayang sa desisyon ng singer-actress at tinanong kung bakit hindi na siya nag-extend.

Sagot niya: “I had an amazing year. It’s time to move on.”

Noong April 11, National Siblings Day, sinagot ni Rachelle Ann ang tweet ng kanyang kapatid at sinabi nitong gusto na niyang umuwi.

NEW GIGI. Samantala, sa pamamagitan din ng Twitter ay binati ni Rachelle ang kanyang kapalit sa Miss Saigon.
 
Pinasalamatan naman ni Natalie si Lea, ang orihinal na Kim, sa pagkakapili sa kanya bilang bagong Gigi.

Sa pamamagitan ng Twitter, sinabi ni Natalie na si Lea ang nagbigay-daan upang makilala ang husay at talento ng maraming Asian artists sa entablado. -- PEP.ph