Filtered By: Showbiz
Showbiz
Ai-Ai celebrates first anniversary with 21-year-old boyfriend
By ARNIEL C. SERATO, PEP
Noong April 12, 2015 ay isang taon na ang relasyon ni Ai-Ai delas Alas at ng kanyang boyfriend na si Gerald Sibayan.
Binati pa nga ang dalawa sa Instagram ng panganay na anak ng Comedy Queen na si Sancho delas Alas: “Happy anniversary sa inyong dalawa!!! Syeeeeeet ang taaaaamis! ????????”
Makikita sa Instagram post ni Sancho na naka-pambahay lamang ang tatlo at tila katatapos lamang nilang kumain.
Happy anniversary sa inyong dalawa!!! Syeeeeeet ang taaaaamis! ????????
A photo posted by Sancho De las Alas (@sanchovito) on
Matatandaang unang umamin si Gerald sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa kanilang relasyon ni Ai-Ai, noong September 15, 2014.
Sa Facebook chat, tinanong ng PEP si Gerald kung matagal na bang naging sila ni Ai-Ai.
Matipid na sagot ni Gerald: “Opo. God bless you.”
Ibig sabihin, kung April 12 ang kanilang anniversary, anim na buwan na ang kanilang relasyon noong panahong yun.
Halos 30 years ang age gap nina Ai-Ai, 50, at Gerald, 21.
Pero sinabi ni Ai-Ai sa panayam pa rin ng PEP noon na, "Ang pag-ibig naman, wala ‘yan sa edad, e."
Samantala, ngayong araw, April 16, ay pumirma ng two-year exclusive contract sa GMA Network si Ai-Ai, matapos ang labing-apat na taon nito sa ABS-CBN.
Dito ay kinumusta at binati ng press si Ai-Ai para sa anniversary nila ni Gerald.
Ngunit ayon sa Comedy Queen, bagamat masaya pa rin ang kanyang lovelife ay gagawin na niya itong pribado. -- PEP
For the full story, visit PEP.
Tags: aiaidelasalas
More Videos
Most Popular