Filtered By: Showbiz
Showbiz

Empress Schuck, three months pregnant?


 

Kumpirmadong buntis daw ang Kapuso actress na si Empress Schuck, ayon sa isang ulat ng Philippine Entertainment Portal nitong Biyernes.

Sa artikulong isinulat ni Arniel C. Serato, sinabing ang pagbubuntis ng Kapuso actress ay kinumpirma ng ilang sources. Tatlong buwan na raw ang baby sa sinapupunan nito.

Ang non-showbiz boyfriend daw ang ama ng dinadala ng aktress.

Sinabi rin sa ulat na anak ng isang pulitiko mula sa South ang nobyo ni Empress.

Ilang linggo na raw laman ng blind items ang tungkol sa isang aktres na diumano'y buntis ngayon. At base clues, mga komento at haka-haka, si Empress ang tinutukoy na aktres.

Kasalukuyang bida si Empress afternoon soap ng GMA Network na Kailan Ba Tama Ang Mali?; kasama sina Max Collins, Geoff Eigenmann, at Dion Ignacio.

Ito ang unang proyekto ni Empress sa Kapuso network mula nang lisanin niya ang ABS-CBN noong 2014.

Ayon pa sa ulat, may isang makahulugang mensahe na ipinost ng aktres sa kanyang Twitter account (EmpressOfficial) noong February 27.

“Sometimes the thing you most want does not happen and sometimes the thing you never expected happen to us,” saad sa post na sinasabi ng ilan na dahilan kaya lumabas ang isyung buntis siya.

Ilan din sa mga followers ng aktres sa Instagram account niya (@empressita), ang nagtatanong kung totoong buntis siya pero walang tugon ang aktes.

ABANGAN SA STARTALK: Ayon sa ulat ng PEP, sa pamamagitan ng text nitong Biyernes, April 10, nagpadala sila ng mensahe kay Katrina Aguila, ang tumatayong manager ni Empress, upang kunin ang kanilang pahayag tungkol sa kumakalat na balita.



Si Katrina ay anak ni Becky Aguila, na manager naman nina Jennylyn Mercado at Neil Coleta.

Pero hanggang sa lumabas ang nabanggit na artikulo ng PEP ay hindi pa umano sumasagot si Katrina sa mensahe.

Kinunan din umano ng PEP ng reaksiyon ang publicist ng kampo ni Empress. Ngunit sinabi raw nito na abangan na lang ang exclusive interview ng Startalk kay Empress na ipalalabas sa Sabado, April 11.

Nabatid daw ng PEP na may exclusive interview si Empress sa nabanggit na showbiz talk show at ang gumawa ng panayam sa aktres ay si Jennylyn. -- FRJ, GMA News