Filtered by: Showbiz
Showbiz
Sam Pinto to bond with family this Holy Week
![](http://contents.pep.ph/images2/news/1cabf3ae0.jpg)
Ngayong Holy Week, kagaya ng karamihan ay kani-kanilang destinasyon din ang celebrities kung saan palilipasin ang ilang araw na walang trabaho.
Ang Kapuso actress na si Sam Pinto ay sa Baguio City ang napiling puntahan para sandaling makapagbakasyon.
Sabi ni Sam sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “My mom is from Baguio, and ang tagal na naming hindi pumupunta dun. So, it’s about time.
"At para na rin magpalamig, mainit na dito, doon malamig pa."
Parang family reunion na rin daw ang mangyayari.
“Actually, my mom’s siblings… parang half in Manila, half in Baguio. So, some of them are there.
"Nagpa-plan kami ng mga cousins ko… magti-tree top kami at saka mag-i-strawberry picking.
"Sa tagal ko nang hindi pumupunta sa Baguio, first time ko na makakapag-strawberry picking.
“Wala lang... mukhang fun din naman yung strawberry picking!” sabay tawa ni Sam.
Mayroon ba silang nakaugaliang tradisyon sa family nila in observation of the Lenten Season?
“Wala, e, kasi Born-again Christian kami.
“I guess it’s just family bonding na wala talagang work. So, it’s just us.
“Gusto ko ring bumaba ng La Union para mag-surfing, kung merong waves!” sabay tawa ulit ng aktres.
Mahilig talaga siya sa adventure?
“Yes. Sagittarius ako, so I love sports or anything extreme.
“Gusto ko nga sa tree top yung parang mag-superman! Yung may zipline?” tawa na naman niya.
Ano ba ang pinaka-extreme na sports na madalas niyang nagagawa?
“Extreme for me is probably surfing.
"It’s very hard and very dangerous at the same time, but it’s also super-fun.
“Lately, I don’t have anytime to surf, but I’ve been surfing for about two years na.
“Ang layu-layo ng mga surfing spots... hindi ako basta-basta puwedeng makapunta.
"Pero kapag libre ako at walang work, I try to find time na makapag-surf.
"It’s really fun," panghuling sabi ni Sam. -- Ruben Marasigan, PEP
Tags: sampinto
More Videos
Most Popular