Andrew Wolff's friend speaks up over Melissa Mendez’s offloading incident
Nagsalita na ang kaibigan ng actor-athlete na si Andrew Wolff na nakaengkuwentro ng aktres na si Melissa Mendez sa eroplano ng Cebu Pacific ngayong Biyernes, March 20.
Ito ay si Rey Pamaran, na inilarawan ang sarili sa kanyang Twitter account bilang "realtor, financier, trader, contractor, heavy equipment lessor, event and talent producer."
Nagsimula ang sigalot sa pagitan nina Rey at Melissa dahil sa kagustuhan diumano ng aktres na umupo muna sa designated seat ni Rey para makunan nito ang mga ulap 'pag nag-take off na ang eroplano.
Nang hindi pumayag si Rey ay nagkasagutan ang dalawa na nauwi sa pananakit ng aktres sa kaibigan ni Andrew.
Dahil sa engkuwentrong ito ay sapilitang pinababa ng kapitan ng Cebu Pacific flight ang aktres sa eroplano.
Nasa ere na ang eroplano na patungong Pagadian City, ngunit bumalik ito ng Maynila upang pababain si Melissa.
WATCH: Melissa Mendez, magbigay ng panig; may hinanakit sa mga basher
READ: Denisse Oca defends mom Melissa Mendez in offloading incident
WATCH: Actress Melissa Mendez kicked off plane after 'punching' flight attendant, co-passengers
REY’S SIDE OF THE STORY. Sa kanyang Facebook account ngayong gabi ay inilahad ni Rey ang kanyang bersiyon kung ano ang nangyari sa loob ng eroplano.
Simula niya, “A very funny/ degrading/ disgusting incident happened during my Manila-Pagadian flight today.
“Upon getting to my reserved plane seat 1A, actress Melissa Mendes was seated there.
"She was politely asked to transfer to row 2 because the seat was already reserved."
Sa pahayag ni Melissa sa PEP, maayos daw siyang nakiusap kay Rey na hayaan muna siyang umupo sa nasabing seat hanggang makunan niya ng larawan ang mga ulap.
Ayon sa aktres, hindi pumayag si Rey sa hiling niya at sinabihan pang hahampasin siya nito ng bag.
Taliwas naman ito sa post ni Rey, na sinabing matapos umanong pakiusapan nang maayos ang aktres at lumipat sa row 2, kaagad daw itong nagalit.
Lahad niya, “She immediately flared up and caused a big scene, shouting invectives at me and cursing me left and right.
“She was finally restrained and was made to sit to her assigned seat behind me, her female companion assuring everyone that she will be calm.”
Subalit nang nasa himpapawid na raw sila, bigla raw uling nagsisigaw si Melissa at pinagmumura si Rey.
“Midway thru the flight, she got up again and started shouting at me, she was reeking with alcohol and had very bad breath.
“I told her to calm down, get some mouthwash then we can talk.
“It is here that she suddenly punched me in the face.
“I admit I was this close to hitting her back but my good senses came into play.
“The captain made an announcement that we need to return to Manila due to one unruly passenger.
“As we landed Manila, she was then escorted out of the airplane and into a waiting bus, with about 20 security personnel.”
Ngunit sa eksklusibong panayam ng PEP kay Melissa ay mariin nitong pinabulaanan na nakainom siya ng alak nang mangyari ang insidente.
Hindi rin daw totoong 20 personnel ang nag-escort sa kanya palabas ng eroplano kundi dalawa lamang.
FILING A COMPLAINT. Idinetalye rin ni Rey sa kanyang Facebook post ang mga parusang maaaring harapin ni Melissa dahil sa insidente.
Posible rin diumano siyang magsampa ng demanda laban sa aktres.
“According to Philippine law for grounds for unacceptable behaviour on board aircraft (disorderly conduct), she will be fined no less than 500k pesos and could be imprisoned for up to 3 years.
“I am seriously filing several cases against her too. I usually avoid things like this, but this is just way below the belt.
“I am now back safely in Pagadian, and I guess her antics just caused me more work and meetings ahead.” -- BERNIE V. FRANCO, PEP