Filtered By: Showbiz
Showbiz

Jake Vargas, ipinabura na nga ba ang 'Bea' tattoo sa kaniyang braso?




Mas gusto na lang daw tumahimik at ayaw magsalita ng Kapuso young actor na si Jake Vargas kaugnay ng breakup nila ni Bea Binene.

Pakiusap ni Jake nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Huwag na lang po nating pag-usapan 'yan.

"Hindi kasi maganda kung magsasalita ako, kalalaki kong tao.

"Mas okey na tahimik na lang para hindi mas maging magulo."

Ang mahalaga ay nagagawa pa rin nilang makipagtrabaho sa isa't isa nang walang problema.

Saad ni Jake, "Kami naman kasi si Bea, okey naman kami. Nagagawa naman naming magtrabaho nang maayos.

"Like, nung nag-guest siya sa Pepito Manaloto o nag-guest ako sa Vampire ang Daddy Ko.

"Yun naman kasi ang maganda, yung okey pa rin kami pagdating sa trabaho dahil pareho naman naming gusto ang laging may trabaho."
 
TATTOO. Pinabulaanan naman ni Jake na pinabura o iniba niya yung "Bea" tattoo sa kanyang braso.

BASAHIN: Jake Vargas has Bea's name tattooed on his arm

WATCH: May kinalaman nga kaya ang tattoo sa napapabalitang break-up nina Jake at Bea?

"Sino naman nagsabi nun, tingnan mo?" at ipinakita niya yung wrist niya.

"Nabura ba?

"Nandyan pa rin, hindi naman ganun kabilis magbura ng tattoo.

"Sabi nila, 'pag nagpabura ka, puwedeng mag-keloid o kaya hindi magandang tingnan.

"'Tsaka paano ko naman ito papaiba? Ano, dadagdagan ng ibang letra?" natawang sabi ni Jake.
 
NEW LEADING LADY. Welcome naman daw ni Jake kung may ibang gusto ang GMA na ipareha sa kanya bukod kay Bea.

"Okey naman sa akin, wala namang problema.

"Hindi naman kasi maganda yung namimili ka ng katrabaho.

"Mas maganda na kahit sino, puwede mong makatrabaho at 'di ka namimili."

Kung siya ang papapiliin, sino pa ang gusto niyang makapareha?

Sagot ni Jake, "Kahit sino, hindi naman ako mapili. Ang mahalaga naman may trabaho ka."

Naghihintay pa raw si Jake ng bagong project bukod sa ginagawa niya ngayon na Pepito Manaloto, Sunday All Stars, at Walang Tulugan with The Master Showman. -- John Fontanilla, PEP

For the full story, visit PEP.