Filtered By: Showbiz
Showbiz

Luis Alandy clarifies issue about replacing Derek Ramsay in a movie




Handa na muling sumabak sa trabaho si Luis Alandy matapos ng ilang linggo niyang pagbabakasyon sa U.S.

Doon niya ipinagdiwang ang kanyang ika-35 kaarawan kasama ng kanyang mga magulang at ibang kaanak, noong February 7.

“Wish ko talaga na mas gumanda pa ang career ko for the next few years,” bungad na pahayag ng Kapuso actor.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Luis sa kanyang post-birthday celebration kasama ng mga batang residente ng Manila Boystown Complex sa Marikina City, umaga ng Sabado, February 28.

Tila natupad agad ang wish ni Luis dahil pagbalik niya ng Manila mula sa U.S. ay natanggap niya ang offer na pagbidahan ang pelikulang Mandirigma, na ididirehe ng journalist-director na si Arlyn Dela Cruz.

“When I got back, tinanong nila sa akin if I wanted to do another movie, supposedly in line with the SAF 44. Not exactly [about SAF pero medyo related].

“Sabi ko, 'Yeah, I'd like to do another movie,'” kuwento ni Luis tungkol sa pagtanggap niya ng naturang proyekto.

NO CONFLICT WITH DEREK. Sa puntong ito ay hiningan ng reaksyon si Luis tungkol sa balitang si Derek Ramsay ang unang napili na maging lead actor ng pelikulang Mandirigma, sa ilalim ng produksiyon ng Star Quest Alliance Production.

“Well, in terms of [casting], hindi ko na alam yun.

“Nung nag-meeting kami with the producer and the director, dun na nila sinabi na the role was supposed to be Derek's.

“I think his schedule didn't permit it,” sagot ni Luis.

Nabanggit din ng Kapuso actor na may target playdate ang produksiyon ng Mandirigma kaya hindi rin nito mahihintay ang availability ni Derek.

“Ako, okey lang ako to do it, as long as hindi magko-conflict dun sa soap opera [with GMA Network],” sagot ni Luis.

“Yung soap naman by mid-March pa mag-start so we have a week to do it,” paliwanag pa niya.  

Nauna nang naiulat ng PEP ang tungkol sa pahayag ni Derek na wala siyang ideya na pinalitan siya sa naturang proyekto. -- Rachelle Siazon, PEP
Tags: luisalandy