Filtered By: Showbiz
Showbiz

Anjanette Abayari wants to make a comeback more than 15 years after her drug case




(Photo from Salve Asis Instagram)
 
Pagkatapos masangkot ni Anjanette Abayari sa drug case sa Guam noong 1999, ngayon lang siya muling nakabalik sa Pilipinas.

Sa Amerika tumuloy ang beauty queen-actress pagkatapos ng kaso niya sa Guam, at doon ay pinagsilbihan niya ang community service na kailangan niyang tapusin kaugnay sa naturang kaso.     
   
Kaya sa pagbabalik ni Anjanette sa bansa, may mga ilang isyu siyang dapat sagutin.

Kabilang na rito ang napabalitang ibinenta ng kaniyang dating nobyong businessman-athlete
ang mga gamit niya nung nasa Amerika siya.

“Yes, it’s true,” pagkumpirma ni Ajanette sa maikling panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Kabilang daw sa mga gamit niya na naibenta ng dating nobyo ay isang Rolex at kotse.

“Natuloy ang pagbenta ng car, pero pag-uwi ng tito ko dito para kunin ang ilang gamit ko, nagpatulong siya sa isang tito ko, nabalik sa akin ang car," anang former Darna star.

Dagdag niya, “The Rolex was sold to one of his cousins, I think. Mahal yun, that’s 25,000 dollars.

“Yung condo, buti na lang hindi niya nabenta.

"My lola handled the condo, hindi natuloy ang pagbenta niya.”

Ngayon ay gusto ni Anjanette na bumalik sa showbiz kung mabibigyan siya ng magandang projects.

Mayroon din daw siyang gagawing international film na isu-shoot dito sa bansa kaya siya umuwi, at may aasikasuhin ding ilang negosyo.

Gusto rin daw niyang mag-pose para sa men’s magazine na FHM kung mabigyan ng pagkakataon.

Special guest si Anjanette sa Startalk sa Sabado, February 21, para sagutin ang ilan pang isyung kinasangkutan niya. -- Gorgy Rula, PEP

For the full story, visit PEP.