Filtered By: Showbiz
Showbiz

Pokwang confirms relationship with Hollywood actor


Photo by Glenn Regondola, PEP
 
"Every other day siya ang nagsasabi na kailangan kaming mag-usap."
 
Ito ang pagbubunyag ni Pokwang tungkol sa relasyon nila ng kanyang leading man sa pelikulang Edsa Woolworth—si Lee O'Brian.
 
“Sana ito na…” sambit pa ni Pokwang matapos niyang kumpirmahin ang pagkakamabutihan nila ng American actor.
 
Se episode ng TV show ni Kris Aquino ngayong Lunes, February 9, ikinuwento ni Pokwang kung paano nabuo ang relasyon nila ng kanyang leading man.
 
First shooting day pa lang daw ng pelikula ay nakaramdam na ng atraksiyon si Lee sa kanya, subalit naging professional daw ang American actor dahil ayaw niyang magkailangan sila sa kanilang mga eksena.
 
Patuloy ni Pokwang, “'Tapos, nung last shooting day, so uuwi na ako the next day, ayun na, hindi siya umaalis sa tabi ko.
 
“'Tapos parang sinabi niya na, ‘[Sana] papuntahin kami sa Pilipinas para mag-promote kami ng movie.’”
 
Inusisa ni Pokwang kung yun daw talaga ang dahilan ni Lee kaya gusto nitong pumunta sa Pilipinas.
 
“'Tapos ngumiti siya,” sabi pa ng komedyana.
 
Umuwi si Pokwang sa Pilipinas, pero bumalik sa Amerika pagkatapos ng halos dalawang linggo para sa isang concert sa San Diego. Doon ay pinuntahan daw siya ni Lee.
 
Muli raw inulit ni Lee ang kagustuhan niyang makapunta ng Pilipinas para makapag-promote ng pelikula nila.
 
Hindi nagtagal, ibinalita ng direktor ng pelikula na si John-D Lazatin na pupunta sa Pilipinas si Lee at ang fellow American actor na si Steven Pohl, na kasama rin sa pelikula, para mag-promote.
 
Nang dumating daw si Lee sa Pilipinas, naghanda si Pokwang sa kanyang bahay kasama ang cast and crew ng pelikula.
 
Lahad niya, “Nag-dinner-dinner muna sa bahay.
 
"Kitang-kita ko talaga yung saya niya [Lee] sa lahat ng nangyayari, na magkakasama kami ulit, kumpleto yung grupo ng Woolworth, 'tapos nakain na naman yung favorite na Filipino dish."
 
Pagkatapos daw ng premiere night, tumungo sina Lee at Steven sa Boracay kung saan sila nanatili ng tatlong araw. — PEP