Filtered By: Showbiz
Showbiz

Regine Velasquez, 'di raw ikinunsiderang kakompetensiya si Lani Misalucha



 
Nilinaw ni Regine Velasquez na hindi kumpetisyon ang Ultimate concert nila nina Gary Valenciano, Lani Misalucha, at Martin Nievera sa February 13 at 14.

“Parang the four of us have been in the business for such a long time, wala nang competition.

"Parang ang pangit kasi the four of us have also grown older, have matured.

“Ngayon, we're just excited to work together,” pahayag ng Asia's Songbird sa press conference para sa concert noong Lunes, January 19.

Sa Ultimate, na gaganapin sa Mall of Asia Arena, si Rowell Santiago ang magiging stage director at si Ryan Cayabyab naman ang musical director.
 
Nang tanungin kung ano ang mangyayari sa two-night concert nila, sinabi ni Regine, “In this concert, we're all very excited kasi it has four different artists obviously, four different ideas.

"It's exciting kasi we all jive—Lani's ideas, Martin's ideas, my ideas, Gary's ideas.

“Obviously, we have our own charm.

“It's Rowell's job to gel everything. 'Yon ang pinakamahirap, kasi he's a director and he has these four ideas.

“But alam niya kasi na yung mga artists niya, mayroon ding mga gustong gawin.

“So, 'yon, he's doing that, dyine-gel niya lahat.”
 
Ang Ultimate ang unang pagkakataong makakasama ni Regine si Lani sa isang concert dito sa Pilipinas.

Tiyak na aabangan ng fans ang pagsasama nila sa isang production number.

Pero bago pa man maikumpara ang dalawa, muling nilinaw ni Regine, “I also wanted to add that, yes, we're going to sing our very best in all production numbers, pero walang competition.

“Baka isipin ng iba na, katulad ng sinabi niyo na dahil kami ni Lani ay pareho kaming belter, pareho kami ng timbre, baka magsabunutan na lang kami roon.

"It's not going to be like that at all.

“We'll make sure na kapag nakita niyo ang show, may reason kung bakit namin ginawa 'yon.”

Dahil dito, tinanong ng isang reporter si Regine kung naging threat ba sa kanyang career si Lani, na mas huling nakilala sa industriya kaysa sa kanya.

Sagot ni Regine, “You know, I'm always asked that question, kung 'di ba sila threat sa akin.

“Sa akin, parang hindi kasi... magkapareho kami, halos magkapareho ang mga songs namin.

"Pero magkaiba pa rin talaga kami, we have different tones, iba ang outlets namin.

“May mga gusto ako, na nanonood ng concerts ko, and vice versa.

“Yung mga nanonood sa kanya, hindi necessarily nanonood ng mga concert ko.

“May kanya-kanya kaming following.”

Sa huli, sinabi ni Regine, “Kaya nga exciting itong Ultimate kasi halu-halo yung mga followers namin.
"Hopefully, lahat sila magpunta roon." -- Nerisa Almo, PEP