Filtered By: Showbiz
Showbiz
Onemig Bondoc files for sole custody of his children-- report
(Ayon sa impormasyong nakalap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nais daw ng dating aktor na si Onemig Bondoc na mapasakanya ang kustodiya ng dalawa niyang anak sa nakahiwalayang asawa na si Valerie Bariou. Photo: Courtesy: Liza Madrienes)
Naghain ng petisyon para sa sole custody ng kanyang dalawang anak si Onemig Bondoc nitong Biyernes ng hapon, January 9, sa Quezon City Regional Trial Court.
Ayon sa impormasyong nakarating sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), bandang alas-tres ng hapon nagpunta ang dating aktor sa QC RTC upang ihain ang kanyang petisyon na mapasakanya ang kustodiya ng kanilang dalawang anak ng nakahiwalayang asawa na si Valerie Bariou.
Ikinasal si Onemig sa model-actress na si Valerie noong 2009, ngunit nagkahiwalay sila noong 2014.
Si Onemig ay nakilala sa sikat na teen show noon sa GMA Network na T.G.I.S. (Thank God It’s Sabado). -- Arniel C. Serato, PEP
Tags: onemigbondoc
More Videos
Most Popular