Filtered By: Showbiz
Showbiz

‘Bakekang’ star Eunice Lagusad makes showbiz comeback on Once Upon A Kiss  


Kasama ngayon sa bagong primetime series ng GMA-7 na Once Upon A Kiss ang 'Bakekang' star na si Eunice Lagusad na nagdiwang ng ika-16 na kaarawan kamakailan lamang. Gaganap si Eunice bilang bilang best friend ni Melody, ang karakter na gagampanan naman ng young actress na si Bianca Umali.
 
Matatandaang ang huling teleserye ni Eunice sa Kapuso network ay ang Genesis noong 2013. Aniya, naging abala siya sa kanyang pag-aaral sa Saint James Academy sa Malabon kunsaan nasa Grade 9 na siya. 
 
“Mas nag-focus po muna ako sa school kasi matagal din akong nag-stop kasi nag-home study po ako. Noong mag-decide po akong um-attend ng regular school, wala muna akong masyadong ginawang trabaho sa showbiz kasi gusto ko pong maging maayos muna ang lahat sa school. Noong okey na po at nakapag-adjust na ako sa school, doon na ako tumanggap ulit ng work,” masayang kuwento ni Eunice 
 
STILL “CHARMING,” AFTER ALL THESE YEARS. Kuwento ni Eunice, hanggang ngayon dawe ay Charming pa rin daw ang tawag sa kanya ng marami. 
 
Okey lang naman daw iyon kay Eunice dahil ibig sabihin ay kilala pa rin siya dahil sa character niyang iyon sa Bakekang. Kuwento niya, “Nagugulat nga sila na nakita nilang malaki na ako. Akala yata nila hindi na lumaki si Charming.”
 
“Natutuwa naman po ako kasi hanggang ngayon, yung role ko sa Bakekang ang naaalala nila sa akin. Lalo na po sa school, Charming talaga ang tawag nila sa akin at hindi Eunice,” dagdag pa ng tween star.
 
Malaki nga ang pasasalamat ni Eunice dahil nandiyan pa rin daw ang mga fans niya simula noong mag-artista siya.
 
“Opo nandiyan pa rin sila. Mga fans ko sila since Ay, Robot! days pa sa QTV-11. Nagpaparamdam sila parati sa akin on social media. Mga kaedad ko na rin sila ngayon, Yung iba naman po, mga mothers naman dahil sa Bakekang. Kaya natutuwa ako dahil inaabangan din nila itong Once Upon A Kiss.” —PEP.ph

Read more at: http://www.pep.ph/news/46827/bakekang-star-eunice-lagusad-makes-showbiz-comeback-via-once-upon-a-kiss