Filtered by: Showbiz
Showbiz

What Vic Sotto thinks of Aiza Seguerra's marriage to Liza Diño


Tumatayong tatay-tatayan sa showbiz ni Aiza Seguerra si Vic Sotto, kaya naman hindi maiwasang hingan ng komento ang comedian-TV host tungkol sa naganap na pagpapakasal ni Aiza kay Liza Dino sa Amerika kamakailan. 
 
Sabi ni Vic, “I support her all the way. Kasi ako naman, personally, kung saan masaya ang aking mga kaibigan, ang aking mga anak, doon ako.”
 
“Siguro hindi sila naiintindihan ng ibang tao, pero opinyon nila yun, I respect their opinion. “So, I expect them to respect my opinion also.” 
 
Nagsabi ba si Aiza kay Vic bilang anak-anakan niya ito? 
 
Tugon niya, “Oh, yeah. At ‘pag dito [sa Pilipinas] sila ikinasal… ‘pag dito sila nagkaroon ng seremonya, I’ll be one of the ninongs. Anak ko yun, e.” 
 
Ano ang sinabi niya kay Aiza noong magsabi ito sa kanya tungkol sa pagpapakasal? 
 
“Simple lang, ‘Go!’” 
 
Wala bang advice na ibinigay si Vic? 
 
Saad niya, “Wala. "Nakikita ko kasi sila, e, noong ginagawa namin yung My Little Bossing [2013], nakikita ko kung gaano sila nagmamahalan, kung gaano sila kasaya, how they take care of each other. So, nung nabanggit sa akin na magpapakasal sila o ipo-formalize nila yung kanilang relationship, go!” — PEP

For the full story, visit PEP
More Videos