Filtered By: Showbiz
Showbiz

Pambato ng Pilipinas sa 2014 Miss Supranational, bigo ring maiuwi ang korona


Natapos na ang isa sa mga prestihiyosong beauty pageant na sinalihan ng Pilipinas ngayon taon, ang 6th Miss Supranational na ginanap kaninang madaling-araw, December 6 (gabi ng Biyernes, December 5 sa Poland) sa Krynica-Zdrój Ice Arena, Southern Poland.

Noong nakaraang taon ay naiuwi ng ating pambato na si Mutya Datul ang korona bilang Miss Supranational 2013. Habang si Yvethe Marie Santiago naman na naging pambato natin ngayong taon ay naging kabilang lamang sa Top 20.

Hinirang na Miss Supranational 2014 si Miss India Asha Bhat.

Ito ang unang grand slam title ng India mula noong taong 2000 nang maiuwi ng kanilang pambato na si Priyanka Chopra and Miss World crown.

First runner-up si Miss Thailand Parapadsorn Disdramrong, second runner-up Miss Gabons Maggaly Nguema, third runner-up naman si Miss U.S. Allyn Rose at fourth runner-up si Miss Poland Katarzyna Krzeszowska.

Ang Top 20 quarter-finalists ay sina Miss Argentina Marisol Arrillaga, Miss Australia Yvonne Amores, Miss Belarus Kristina Martsinkevich, Miss Canada Gabriela Clesca, Miss Chile Charlotte Molina, Miss Philippines, Yvethe Santiago, Miss Romania Elena Zama, Miss Sweden Ida Ovmar, Miss Switzerland Mylene Clavien, and Miss Trinidad & Tobago Tinnitia Griffith.

SPECIAL AWARDS. Para sa special awards, ang mga nanalo ay sina:

  •  
  • Miss Canada Gabriela Clesca  - Miss Congeniality
  • Miss Denmark Angela Lakocevic - Miss Photogenic
  • Miss Sweden Ida Ovmar - Miss Bikini
  • Miss Malaysia Audrey Loke Pui Yan - Best Smile
  • Miss England Zandra Flores - Miss Elegance
  • Miss Myanmar Han Thi - Miss Internet
  • Miss China Gu Wei - Top Model
  •  
Bukod sa mga inaabangang question and answer portion ay may ilang nakakatuwang pangyayari habang nagaganap ang pageant.

Kabilang na dito ang pagkakadulas ang pagkakadulas ni Miss U.S. nang tawagin siya bilang isa sa mga Top 10. Habang si Miss Canada, pumunta rin sa puwesto ng Top 10 gayung ang tinawag ay si Miss Thailand.

Basahin: Bianca Guidotti, bigong maiuwi ang korona ng Miss International

Nitong nakaraang Nobyembre, nabigo rin si Binibining Pilipinas-International Mary Anne Bianca Guidotti na makapagtala ng back-to-back win para sa Pilipinas sa Miss International.

Ipinasa ni 2013 Miss International Bea Rose Santiago ang korona sa nagwaging si Miss Puerto Rico Valerie Hernandez.

Basahin: Miss World Philippines Valerie Weigmann off to London for pageant

Bago matapos ang taon, susubukan naman ni Valerie Weigmann na maiuwi sa Pilipinas mula sa London ang korona ng Miss World na tangan ngayon ng kababayan niyang si 2013 Miss World Megan Young.-- Rizza Lorraine C. Benedicto, PEP/FRJ, GMA News