Filtered By: Showbiz
Showbiz

Michael V. proud of Bubble Gang co-star Sef Cadayona for winning Best Comedy Actor


Ginawaran ng Hall of Fame award ang longest-running gag show ng GMA Network na Bubble Gang sa PMPC Star Awards for Television, na ginanap noong Linggo ng gabi, November 23, sa Grand Ballroom ng Solaire Resort and Casino.  
 
Nandoon halos lahat ng cast ng show, sa pangunguna ni Michael V.; kasama sina Rufa Mae Quinto, Betong, Sef Cadayona, Max Collins, Sam Pinto, Ellen Adarna, at ang direktor na si Uro dela Cruz. 
 
Ang Bubble Gang ang ika-apat pa lang na naluklok sa Hall Of Fame ng PMPC Star Awards For Television. Ang naunang tatlong iba pa ay ang Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN sa larangan ng drama anthology noong 2009, si Boy Abunda sa larangan ng pagiging showbiz-oriented talk show host, at ang Eat Bulaga! sa variety show noong 2011. 
 
Pabirong sabi ni Michael V kasabay ang crew ng GMA News, “Medyo nalulungkot ako kasi next year, hindi na kami puwedeng manalo.”
 
“Pero natutuwa rin kami dahil hindi na namin puproblemahin every year yung isusuot namin sa Star Awards. Unless ma-nominate ulit si Sef,” pagtukoy niya sa kasamahan nila sa Bubble Gang na si Sef Cadayona, na nanalong Best Comedy Actor. 
 
Nominated din sa nabanggit na kategorya si Michael V for Pepito Manaloto; gayundin sina Harvey Bautista (Goin' Bulilit), Bugoy Cariño (Goin' Bulilit), John Lloyd Cruz (Home Sweetie Home), Clarence Delgado (Goin' Bulilit), at Vic Sotto (Vampire Ang Daddy Ko). 
 
Si Sef ang parang sumusunod sa yapak ni Michael V., at ikinatutuwa naman daw ni Bitoy kung ganito ang opinyon ng marami. 
 
“Hindi ko nga alam kay Sef, e. Ang dami namang puwedeng sundan, ako pa!” natawang biro niya.
 
“But kidding aside, proud ako kay Sef. Proud ako para sa kanya. Lahat naman actually ng nasa Bubble Gang, yung mga baguhan, yung bagong gang at saka yung mga medyo bagong gang. Proud ako sa lahat ng mga ‘yan, lahat sila kumu-contribute sa table. May ino-offer rin sila para makakain kami nang maayos." — PEP