Filtered By: Showbiz
Showbiz

Andre Paras proud of brother Kobe: 'He's better than me'




Aminado si Andre Paras na mas magaling ang nakababata niyang kapatid na si Kobe Paras pagdating sa basketball.

Sina Andre at Kobe ay mga anak ni Benjie Paras sa dating asawa nitong si Jackie Forster.

Sa ngayon, unti-unting nakikilala si Kobe sa Amerika dahil sa kanyang galing sa paglalaro ng basketball.

Ayon kay Andre, mananatili siyang number one fan ng kanyang kapatid.

“Kobe has his thing right now. I'm always inspired kay Kobe na galingan. Hopefully, one day, I'll be like him,” sabi ni Andre nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters sa ginanap na birthday celebration niya sa Tahanang Walang Hagdan ngayong araw, November 11.

Matatandaang magkasabay na nakilala sina Andre at Kobe bilang magagaling na basketball players 'tulad ng kanilang ama.

Subalit naiba ang landas ni Andre at mas natuon ang kanyang atensiyon sa pagiging artista.

Dahil dito, inamin ng Kapuso young actor-TV host na may mga pagkakataong nakukumpara siya sa kapatid.

Aniya, “I'm really sanay na talaga when people say na, 'Kaya pala nasa showbiz ka.'

“I don't really find it offensive kasi I'm proud of Kobe.

“Of course, he's better than me. I'm really proud of that.

“I don't think about it anymore. I'm always gonna be Kobe's number one fan...”

Sa ngayon, ayon kay Andre, committed na si Kobe sa University of California, Los Angeles (UCLA), na nagnanais kunin siya upang maglaro para sa UCLA Bruins sa US NCAA.

“Ang maganda dun, third year high school siya. He still has one year to develop before college,” sabi ni Andre tungkol kay Kobe.
 
BASKETBALL DREAM. Gayunman, sabi ng The Half Sisters actor, nananatili pa rin ang pangarap niyang makilala rin sa basketball.

“Hindi naman ako nag-give up.

“Right now, our league is over and my schedule is pasok din talaga sa schedule ko.

“Like, Tuesday and Thursday are for my class; MWF ko is taping; and in the morning, training.

"Kaya I have time for showbiz pa rin naman.

“Basketball is always there kasi naba-balance ko pa rin naman siya.

"So, I have the best of both world right now.”

Dagdag pa ng 19-year-old celebrity, “Right now, I'm focusing to work.

“I'm really thankful I'm able to work and develop other areas, which I'm hoping that I can do also.

“Here in showbiz, I'm really enjoying, I'm just here to support Kobe in basketball.” -- Nerisa Almo, PEP