Filtered By: Showbiz
Showbiz

Leni Santos reveals reasons why her marriage failed




Ang bagong teleserye ng GMA Network na More Than Words ang comeback project ng aktres na si Leni Santos mula nang umalis siya sa Pilipinas para mag-migrate sa Amerika, partikular na sa Las Vegas, Nevada.

Sa Amerika, nagtrabaho si Leni bilang med-tech sa isang nursing home sa Las Vegas, at mayroon na siyang dalawang anak na 20 at 18-years-old na.

Ayon kay Leni, nang mamatay ang kanyang ina noong 2013 ay umuwi siya ng Pilipinas. Hindi nga lang siya nagpakita sa lahat dahil wala pa siyang balak bumalik noon sa TV.

Pero nang alukin siya ng Kapuso network na magbalik-telebisyon, iniwan muna ni Leni ang trabaho sa US.

Diborsiyada na si Leni sa dati niyang asawa na si Jeffrey Salvador, kapatid ng dating aktres na si Jobelle Salvador.

Sa Pilipinas nagpakasal sina Leni ay Jeffrey, pero dahil matagal na silang naninirahan sa States, doon sila kumuha ng divorce noong 2006.

Tumagal ng labinlimang taon ang pagsasama nila bilang mag-asawa.

Saad ni Leni, “Actually, hindi ko rin expected na ganun ang mangyayari.

“Hindi ko akalain na aabot sa puntong maghihiwalay kami. 

“We’re under pressure sa Amerika.

“Actually, sabihin na nating dito sa Pilipinas, meron nang problema.

"But, in a way, nagawa mong i-save yung marriage dahil may mga anak kayo.

“Unang-una, ayaw ninyo ng broken marriage. Yun ang iniisip ko, at ganun din naman siya.

“Pero hindi nag-work out yung relationship.

“Dumating sa point na kung kailan pa kami dumating sa States, napatid ang pisi.

“Ang problema, incompatibilities.”

Pag-amin naman ni Leni, nagkaroon din ng problema sa kaniya at hindi lang naman sa kaniyang dating mister.

“Pero hindi ko naman masasabi na siya lang ang may problema, ako rin,” aniya.

Ano bang problema? Nagger ba siya? Selosa?

“I’m not, I’m not…”

So, ano ang naging problema sa kanila?

“Ang problema talaga ng mag-asawa kaya naghihiwalay is incompatibilities dahil hindi na kayo magkasundo, hindi na kayo pareho ng point of view.

“Ang mag-asawa kasi is a compromise, respect, and understanding. Wala kami nun.

“Siyempre, I don’t wanna say na ang ex-husband ko ang may problema.

“Siyempre, ‘pag may problema ang mag-asawa at naghiwalay, may problema rin ang babae.

“Yung paghihiwalay namin, pinag-usapan namin. 

“Mas maganda yun kaysa naman sa lumaki ang mga bata na lagi tayong nag-away.”

SEPARATE LIVES. Are they working on their annulment para mapawalang-bisa rin ang kasal nila sa Pilipinas?

Sabi ni Leni, “Hindi. Hindi ako nagwu-work out ng annulment namin.  Kasi hindi naman kailangan.

“We’re the best of friends.

“Kasi naghiwalay kami na tanggap na namin ang isa’t isa. 

“Tanggap ko nang nagkaroon siya ng ibang girlfriend, nagkaroon ng ibang asawa.

“Nagkaroon na ako ng ibang boyfriend.

“So, meron akong boyfriend ngayon, isang Pinoy. One year and a half pa lang kami.”

Inamin din ni Leni na bago pa nitong current boyfriend niya ay nanggaling na rin siya sa isang romantic relationship. Hindi nga lang ito nagtagal.

“Pero mas seryoso ako ngayon dito.”

Magpapakasal pa ba siya uli?

Sagot niya, “Hindi ko pinag-iisipan dahil ‘pag galing ka sa isang failed marriage, hindi mo na mapag-iisipang pumasok sa ganun.” --  Rey Pumaloy, PEP
 
For the full story, visit PEP.