Filtered By: Showbiz
Showbiz
Once a child wonder, is Niño Muhlach now a 'stage father' to son Alonzo?
Natatawa lang si Niño Muhlach kapag tinatawag siyang “stage father” dahil artista na nga ang kanyang apat na taong gulang na anak na si Alonzo Muhlach.
Sinabi ni Niño na inaasahan na raw niyang matatawag siyang stage father, pero ikinuha nga raw niya ng manager ang kanyang anak para hindi raw siya ang ma-stress sa career ni Alonzo.
Kuwento niya, “Kaya kinausap ko si Tita Aster (Amoyo). Pinakiusapan ko kung puwede bang siya na ang tumayong manager ni Alonzo? Maganda naman ang naging usapan namin."
“Si Tita Aster kasi, parang nanay ko na ‘yan. Lahat ng mga naganap noon sa buhay ko—mapa-career, negosyo, lovelife—alam niya lahat. Kaya siya ang pinagkatiwalaan namin kay Alonzo."
"Kasi kung ako pa ang mag-manage, ma-stress lang ako. Marami rin tayong inaasikaso, tulad na lang ng mga negosyo namin (Muhlach Ensaymada, El Niño Apartelle). Nakatutok ako doon talaga. “Kaya it’s better na may ibang nag-aasikaso kay Alonzo. Somebody na trusted ko na at alam ang pasikot-sikot sa showbiz. Ang naisip ko talaga ay si Tita Aster."
“Kapag may mga projects si Alonzo na darating, si Tita Aster na ang makipag-usap and then i-consult na lang siya sa akin. Pero bilang si Tita Aster nga ang manager, yung final decision ay sa kanya.”
More projects
Bukod nga sa My Big Bossing kung saan bida sina Vic Sotto at Ryzza Mae Dizon, kasama rin si Alonzo sa cast ng isa pang MMFF entry na Kubot: The Aswang Chronicles na pinagbibidahan naman ni Dingdong Dantes.
“Pinakaunang movie ni Alonzo was The Trial. Maliit lang ang role niya doon, pero marami naman ang natuwa."
“Tapos, dumating na nga ang dalawang movies for the MMFF. Tapos, pareho pang malalaki ang movies at maganda ang roles na binigay nila kay Alonzo,” ngiti pa ni Niño.
Own identity
Dahil nga isang award-winning child actor si Niño noon, hindi rin mapipigilan na mai-compare ang anak niya sa kanya.
“Ayokong ma-pressure si Alonzo. I know na may mga magku-compare sa aming dalawa. Hindi maiiwasan iyon."
“As much as possible, ayokong dumaan ang anak ko sa ganyan. I want him to have his own identity. I want him to be Alonzo Muhlach and not just the son of Niño Muhlach,” diin niya. — Ruel Mendoza, PEP
Tags: niñomuhlach, alonzomuhlach
More Videos
Most Popular