Filtered By: Showbiz
Showbiz

Ricardo Cepeda sa relasyon nila ng ex-wife Snooky Serna: Hindi magkaibigan, hindi magkaaway



 
Ginagampanan ni Ricardo Cepeda ang character ng ama ni Jose Rizal na si Francisco Mercado sa historical drama series ng GMA na Ilustrado.  

Si Eula Valdez naman ang gumaganap sa role ni Teodora Alonso na asawa ni Ricardo sa istorya at ina ni Rizal.

“It was a good role. Iyon ang gusto kong role na at this stage in my life, gusto kong ipakita ‘yong role ng father because I really feel a lot for young kids.

"They need mga characters to identify with, kung paano 'yong maging tatay,” pahayag ng aktor sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong October 16.

Marami na siyang nagawang father roles before, 'di ba?

“Oo, pero most of the time, kontrabida ang nakukuha ko,” sabay tawa ni Ricardo.

“Itong role ko sa Ilustrado, good father ito.

"I connected with it, sa aking personal way of bringing up my own kids.

“Parang no’ng panahong iyon, hindi naman uso ‘yong marami kang katulong because 'yong buhay nina Rizal, sa hacienda sila.

“So very hands-on ‘yong relationship with your kids. 

"Nando’n ka at hindi ‘yong nauutusan na yaya, e.

“Nagbasa rin ako at nag-research tungkol kay Francisco Mercado. 

"Actually there’s a lot na puwede mong mabasa about him at meron din sa Google.

“Hindi naman naging mahirap for me na i-portray ‘yong role kasi si Francisco ‘yong typical Filipino father at that time na low-key siya at very forgiving, mapagbigay, e. 

"Na tinatanggap niya kung ano ‘yong sinabi para walang gulo.

“Hindi pa siya ‘yong… 'Oy, laban tayo.'”

SNOOKY AND DAUGHTERS. Dalaga na pareho ang mga anak niyang sina Samantha at Sachi kay Snooky Serna. Kumusta ang relasyon niya sa mga anak?

“Strong as ever!” sabay ngiti ng aktor.

“I’ve always had a very good relationship with my daughters,  four or five times a week kaming nagkakasama kahit malayo ang mga bahay namin.

“Nasa Quezon City sila, ako naman nasa Pasig. But they come over whenever they want.”

Si Samantha ay 21 years old, graduate ng International European Studies sa Dela Salle University at nagtatrabaho na. Si Sachi ay 18 at  freshman sa La Salle studying Literature.

 Kumusta naman ang samahan nila ng dati niyang asawang si Snooky Serna?

“Wala naman kaming samahan!” tawa niya ulit.

“As parents, we’re good, we’re good.

“We work together with the kids.”

Magkaibigan ang turingan nila sa isa’t isa?

“Honestly, no.

“Wala, hindi kailangan, e.

“I mean we talk about the kids.  But may kanya-kanya kaming direksiyon.”

They've chosen not to be friends?

“I guess so, parang gano’n.

“It’s just that there’s no opportunity.

“I think it’s much easier gano’n.  

“Ang mahalaga naman, hindi kayo enemies.  Hindi naman kami magkaaway, e.

“But we’re not buddy-buddy na kapag may issue, tatawagan ko for advice.  Hindi, e. Nor does she call me for advice. May sarili na kaming ano…

“I just know na she’s doing well professionally, nagti-taping siya ngayon sa ABS.

“'Tapos sa Iglesia Ni Cristo, she’s doing projects for them.

"Balita ko kinukuha nga siyang broadcaster sa Net 25.

“'Tapos kapag may mga events sila, kinukuha siyang host nila.

“So she’s doing very well there.  

"And when it comes to work, nagugulat na nga lang daw ang lahat.

"Hindi lang siya on time, ahead of time pa,” sabi ni Ricardo. -- Ruben Marasigan, PEP

For the full story, visit PEP.