Filtered By: Showbiz
Showbiz

Rapper Abra says he's not in the same league with Gloc-9



 
Marami ang natuwa nang magsama sa isang production number sina Abra at Julie Anne San Jose sa Sunday All Stars noong Linggo, October 19. Kinanta nila ang sarili nilang composition na “Deadma.”

Sa nasabing awitin, nagra-rap si Abra samantalang si Julie Anne naman ang sa chorus. 

Banggit ni Abra nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Ako ang nagsulat ng verses, siya ang nagsulat ng chorus.

“Single lang po ito na ire-release ng GMA Records. Nagtanong kasi sila dati kung ano raw ang puwede kong gawing single.

“’Tapos naalala namin na meron pala kaming matagal nang iniisip ni Julie Anne na collaboration, pero hindi pa namin alam kung ano.

“And then, nag-uusap kami ni Julie sa ibang lugar naman… sa OPM event yata. 

“’Tapos nagkausap kami tungkol sa religion at doon namin napag-usapan na rin yung kanta.

“Nagkasundo kami na gumawa nga ng song na hindi conventional and something new.”

Gaano katagal nila isinulat at binuo ito?

Ayon kay Abra, “Yung songwriting process is like two to three weeks.  ‘Tapos yung recording, one day lang.

“Ang maganda kasi, bago namin isinulat ang kanta, napag-usapan na namin yung concept. 

“Kaya songwriting process, hindi na kami nag-usap. 

“Pero nung inilatag na namin yung part namin sa song, bagay na bagay at saktong-sakto.

“So, astig! Wala nang kailangang ayusin.

“Wala nang kailangang baguhin, as is!
 
“Ako yung darkness sa song, siya naman yung light sa song.

“Balance, para maunawaan natin kung ano talaga yung paniniwala tungkol sa higher power.”
 
 
COLLABORATION WITH JULIE ANNE. Matagal na raw silang magkakilala ni Julie Anne. 

Sa Party Pilipinas daw sila unang nag-meet noong nagsisimula pa lang siya mag-guest sa TV shows.

“Naka-collaborate ko na rin siya nun. ‘Tapos dun ko nakita si Julie na… astig.

“Kasi, parang jive na jive na, ‘Ang galing, a!’

“Ang galing mag-rap. Ang galing kumanta. Ang galing mag-perform.

“’Tapos meron siyang oras sa stage. 

“So, every time talaga na nagpi-perform ako with Julie, enjoy… ever since.”

Talagang close na sila ni Julie Anne?

“We’re good friends!” sabay ngiti ni Abra.

GLOC-9. Sinasabing kung mayroon mang puwedeng tumapat kay Gloc-9 bilang pangunahing rap artist ng bansa, si Abra lang at wala nang iba pa. Agree ba siya?
 
Tugon niya, “Hindi po. 

“Ay, siyempre walang katapat si Gloc-9. Pinapakinggan ko ‘yan.

“Iyan ang una kong pinapakinggan. Siya talaga ang nag-inspire sa akin na mag-rap, e.

“So, hindi ko siguro ihahanay ang sarili ko o ikukumpara kay Gloc-9.

“Kasi veteran na ‘yon, e. Ako, baguhan pa lang po.”

“Rap sensation” siya kung bansagan ngayon. Ano ang reaksiyon niya dito?

“Hindi po. Si Anigma, yung host ng Fliptop, siya ang pinakamaraming views.

“Siya po yung laging nasa gitna kapag may rap battle, kaya siya yung bagong sumisikat naman,” sabi ni Abra. -- Ruben Marasigan, PEP
 
For the full story, visit PEP.