Filtered By: Showbiz
Showbiz

Coleen Garcia speaks out on Billy Crawford arrest, sex video hoax


Sa unang pagkakataon ay nagsalita si Coleen Garcia tungkol sa kinasangkutang gulo ng kanyang boyfriend na si Billy Crawford noong September 7.
 
Matatandaang boluntaryong nagpaaresto si Billy sa mga pulis na nakatalaga sa Taguig Police Precinct 7 matapos manggaling sa isang bar.
 
Marami ang nagtatanong kung bakit hindi kasama ni Billy si Coleen noong oras na iyon. Nagkatampuhan nga ba sila?
 
Paliwanag ni Coleen sa panayam ni Boy Abunda nitong Linggo, “No naman… when I got into the car kasi, he was mad.
 
“Like, he’s really mad, I don’t know why. So, nagtataka ako, bakit.
 
“The next day, I woke up, he was in prison. Nagulat na lang talaga ako.”
 
Noong nasa sasakyan siya ni Billy, saan siya nagpunta?
 
Ayon kay Coleen, “I got into the car para iwas-away na lang. I knew he was mad.
 
“My friends brought me home kasi, sabi niya sa friend ko, iuwi na lang ako.”
 
Hindi siya ang dahilan kung bakit ito nagalit?
 
Ayon kay Coleen, “No, I thought it was me, the reason.
 
“So, people were asking me kung nag-away ba kami.
 
“So, sinasabi ko, noong hindi pa kami nagkakausap na, siguro kasi galit siya sa akin.
 
“Naging klaro na when I visited him na someone provoked him that night.
 
“So, nagalit na siya.”
 
Sex video?
 
Sinagot din ni Coleen ang isyung diumano’y may kumakalat na sex video niya. Pero kapag binuksan na ang naturang video, lumalabas na hoax lang ito.
 
Nagalit ba siya nang malaman niya ang tungkol dito?
 
Saad niya, “No, actually that came out at the height of everything that’s happening to Billy.
 
“So, dinedma ko na lang siya.
 
“There were so many other things that I needed to worry about.
 
“And there are so many other things that I needed to fix.
 
“Alam ko naman na hindi totoo yun, so when I heard about it…
 
“I just heard about it. I didn’t click any link or anything.
 
“Sinabi ko, ‘A, that’s impossible.’ So, I just set aside it na.”
 
Ilang taon pa lang siya sa industriya, pero napakarami na rin niyang naging isyu at kontrobersiya.
 
Minsan ba ay nasabi niyang sobra na ‘to at ayaw na niya?
 
Sabi ni Coleen, “There are so many times na sinasabi kong sobra na ‘to, pero never kong sinabi na I just wanna walk away.
 
“Because, para saan pa ang mga pinagdaanan ko?
 
“I believe that there’s nothing in this life na sobrang great na hindi mo kayang ipaglaban.
 
“Everything great is worth fighting for and it comes with struggle also.
 
"I accepted that part also…" — Rose Garcia, PEP