ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Sheryl Cruz proud to be 'all natural' at the age of 40



 
Life begins at 40 for former child actress Sheryl Cruz.

Ayon sa blooming pa ring TV at film actress, dumating siya sa ganitong edad, noong April, na hindi nararanasan ni minsan ang dumaan sa anumang cosmetic enhancements or surgery para magmukha pa rin siyang bata.

“All natural” pa rin daw ang beauty niya.

Sabi pa ni Sheryl, “I really thank God for what He has gifted me.

“Many are still saying na parang hindi nagbago ang hitsura ko.

"Kung ano raw ang nakita nila sa akin way back from the ‘80s, ganun pa rin daw ngayon.

“Never pa akong nagpa-botox or anything that has to do with cosmetic surgery tulad ng mga ginagawa ng ibang mga artista ngayon.

“Siguro nga, I am just blessed with good skin, good genes.

"Maalaga naman talaga ako sa katawan ko, lalo na sa skin ko, since teenage pa ako.

"Sabi nga nila, 40 is the new 20, ‘di ba?”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sheryl sa press launch ng bagong GMA primetime series na Strawberry Lane noong Martes, September 9, sa Imperial Palace Suites, sa may Quezon City.
 
YOUTH OBSESSED. Hindi naman daw sinasabi ni Sheryl na hindi niya susubukan balang-araw na magpa-botox.

Sabi niya, “Siguro magpapa-botox ako kung kinakailangan na.

“We are here in show business and looking young is a big factor.

"Yun ang obsession ng marami sa aming mga artista.

"We have to look good and still look young for our fans.
 
“As of now, hindi ko pa naman kailangan.

"Hanggang nandiyan pa ang natural beauty natin, alagaan na lang natin through a healthy lifestyle.”

DAUGHTER ASHLEY. Ang anak ni Sheryl na si Ashley, 13, ay naiimbitahan nang mag-perform minsan sa musical-variety show ng GMA na Sunday All Stars.

Nangako raw ang aktres na hinding-hindi siya magiging stage mother at hindi niya pipilitin ang anak na pasukin ang showbiz kung hindi nito gusto.

“Ayokong ipilit sa anak ko ang isang bagay kung ayaw niya.

"I want her to make decisions for herself.

“Noong imbitahan nga si Ashley for Sunday All Stars, I asked my daughter kung gusto ba niya.

"Nag-yes naman siya and she will do her best daw.

"Noong rehearsals, medyo nagdadalawang-isip na siya, parang ayaw na niya.

“Kinausap ko naman siya at sinabi ko na she said that she will do her best.

"So it means na kaya niya.

"But if she feels na hindi siya comfortable, she can back out, and I will understand that.

“But she told me, ‘Okay, Mommy, I will do it!’

"Natuwa naman ako dahil she didn’t give up.

“So she gave it her all and I am the proudest mother sa araw na iyon.

“My daughter gave a performance that I more than expected.

"Kaya masayang-masaya ako para sa anak ko.”

Hindi naman daw ibig sabihin nito ay papasukin na ni Ashley ang showbiz. Mas gusto raw ni Sheryl na mag-concentrate ito sa kanyang pag-aaral.

EX-HUBBY. Tungkol naman sa ex-husband ni Sheryl na si Norman Bustos, inamin ni Sheryl na hindi sila madalas mag-communicate nito simula noong nag-divorce sila noong 2008.

“We’re okay, but we don’t really communicate.

"It’s more between him and my daughter.

"Yun naman ang mas okey, ‘di ba?

“I don’t even know kung nag-remarry na siya.

"Ganun ako kawalang-alam sa buhay niya ngayon."

Pinasasalamat na lang ni Sheryl na tuluy-tuloy ang pagbibigay ng suporta ni Norman kay Ashley.

Inamin din ni Sheryl na noong mag-divorce sila ni Norman, hindi niya kinuha ang kanyang karapatan sa financial assets nila noong mag-asawa pa sila.

“I waived my rights for spousal support or alimony.

"Kahit na sa conjugal property, hindi ko na siya kinuha pa.

"What’s important is yung support niya sa anak namin.

Sa ngayon, wala raw lovelife si Sheryl dahil focus siya sa kanyang career, lalo na sa kanyang anak. -- Ruel J. Mendoza, PEP

For more on this story, visit PEP.
Tags: sherylcruz