Filtered By: Showbiz
Showbiz

Mylene Dizon hopes relationship with boyfriend Jason Webb is for keeps




Inamin ni Mylene Dizon na sampung buwan na ang relasyon nila ni Jason Webb, dating Philippine Basketball Association (PBA) player at ngayon ay assistant coach.
 
“Very good,” maiksing sagot ni Mylene nang kamustahin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang relasyon nila ni Jason.
 
Nakausap namin si Mylene sa gala night ng pinagbibidahan niyang Cinemalaya entry, ang Mariquina, sa Cultural Center of the Philippines, Lunes ng gabi, August 4.
 
Kasamang dumating ni Mylene si Jason sa event, ganun din ang anak ng aktres.
 
Bilang isang artista, mahirap ba para kay Mylene na magkaroon ng relasyon dahil maraming dapat ikunsidera?
 
Pahayag ng aktres, “Matanda na ako, 40 [anyos] na ako.
 
“A relationship is a relationship, whether artista ako… hindi ‘yon issue or something na kailangang itago.
 
“I’m not a teeny-bopper nor am I bata… wala naman akong itinatagong image.”
 
Hindi naman daw isyu kay Jason kung isa siyang artista dahil ang ama nitong si Freddie Webb ay bahagi rin ng showbiz. Newscaster naman ang nakatatandang kapatid nitong si Pinky Webb.
 
“Anak ni Freddie Webb ‘yan, mas malaking celebrity kesa sa akin, so he’s very sanay.”
 
Umaasa ba siyang pangmatagalan na ang relasyon nila ni Jason?
 
“I hope so... don’t we all hope for that?” tugon ni Mylene.
 
May mga plano na ba kagaya ng pagpapakasal?
 
“No, no,” sabi ng aktres.
 
Maayos naman daw ang relasyon ni Jason sa dalawang anak ni Mylene kay Paolo Paraiso. —  Bernie V. Franco, PEP