ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Vicki Belo congratulates Hayden Kho Jr. for regaining his medical license

Isa si Dr. Vicki Belo sa natuwa sa pagkaka-reinstate ni Hayden Kho bilang cosmetic doctor.
Sa Instagram account ni Dra. Belo (victoria_belo) nitong Martes, Martes, July 8, ipinost niya ang larawan ng cover letter mula sa Professional Regulation Commission (PRC) na nakasaad ang pagbabalik ng lisensiya ni Hayden bilang medical practitioner.
Ang dokumento ay pirmado ni Atty. Eugenio L. Riego II, officer-in-charge ng Legal and Investigation Division ng PRC.
Nakasulat naman sa caption ng nasabing post ni Dra. Belo ang sumusunod: “Sorry for the ugly picture but to me it's the most beautiful picture I've seen in 5 years.
“This is The PRC document restoring @dochayden’s medical license.
“Thank you so much to our Father in heaven. It's so true Matthew 6:33 that if you put God first all will be added on to you. Congratulations Dr. Hayden Kho Jr.”
Nitong Martes din ay nag-post si Hayden ng larawan ng formal letter mula sa Board of Medicine ng PRC, kung saan nakalahad na ibinibigay muli ang lisensiya niya upang maging doktor.
Basahin: Stripped of med license after scandal, Hayden Kho now a doc again
Basahin: Kampo ni Katrina Halili, umalma sa pagbabalik ng lisensiya ni Hayden Kho Jr. bilang duktor
HAYDEN’S INFLUENCE. Sa isang artikulong lumabas dito sa PEP noong November 2013, sinabi ni Dra. Belo na magkaibigan na lang muna sila ni Hayden at hindi na muna niya iniisip ang makipagbalikan dito.
Sinabi rin niya ang malaking pagbabago ni Hayden.
Inamin din ng celebrity cosmetic surgeon na si Hayden ang nag-impluwensiya sa kanya upang maging mas ispiritwal.
“We’re really just there [for each other] and not anymore into anything like that,” sabi ni Dra. Belo. Maging sa Twitter account ni Hayden ay Bible verses at papuri sa Panginoon ang madalas i-post nito.
Bagamat sinabi nina Dra. Belo at Hayden na magkaibigan na lamang sila ngayon, may iba pa ring naniniwala na patuloy pa rin ang pagmamahalan ng dalawa. -- Bernie V. Franco, PEP
Tags: haydenkhojr, vickibelo
More Videos
Most Popular