Filtered by: Showbiz
Showbiz
Richard Gutierrez on Sarah Lahbati's mom: 'I think, now, she knows better'

“Okay naman, okay na.”
Ito ang sagot ni Richard Gutierrez nang kumustahin ang sitwasyon ngayon sa pagitan ng kanyang ina na si Annabelle Rama at ina ng kasintahan niyang si Sarah Lahbati na si Esther Lahbati.
Matatandaang nagkaroon ng alitan sa pagitan ng dalawa nang mag-post si Esther ng kanyang saloobin sa Instagram pagkatapos ng binyag at birthday party ng apo nila ni Annabelle na si Zion, anak nina Richard at Sarah.
Banggit pa ni Richard tungkol kay Mommy Esther, “Sarah spent time with her the other day.”
Birthday raw noon ng ina ni Sarah, ngunit hindi nakasama si Richard dahil naghahanda siya para sa premiere ng pelikula niyang Overtime.
May recent post ang mommy ni Sarah sa Instagram na nami-miss daw niya ang apong si Zion. Matagal na ba nitong hindi nakikita ang anak nina Richard at Sarah?
Tanggi ni Richard, “Nakikita niya, mga three or four days ago. Magkasama sila ni Sarah at saka si Zion sa mall.”
Totoo bang inalok niya si Mommy Esther na sa bahay na lang nila ito tumira para magkakasama na sila?
Saad ng 30-year-old actor, “Ganoon talaga dapat ang set-up pag-uwi namin dito.
“Pero parang hindi yata comfortable si Tita Esther sa ganun, so she’s living now in her condo.”
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Richard sa pocket presscon ng Gutierrez family, sa Victorino’s restaurant, sa Jamboree St., Quezon City, nitong Huwebes, July 3.
SARAH IN THE MIDDLE. Hindi ba naiipit si Sarah sa sitwasyon? Paano hina-handle ni Sarah ang isyung ito?
Sagot ni Richard, “Siya talaga ang naipit sa lahat and she felt really bad sa nangyari.
“Pero, instantly naman, inayos din niya. Siya na rin ang nag-reach out.”
Nakausap naman daw ni Richard ang mommy ni Sarah sa telepono.
Pero sabi nga niya, “Alam ko naman na, eventually, they’re gonna fix it.
“The sad thing is, she didn’t tell us.
“Instead, she posted it in social media, so it got out of proportion.
“After that, kinausap namin siya and okey na.
“Hindi rin niya ini-expect na ganoon ang mangyayari.
“I think, now, she knows better.” -- Rose Garcia, PEP
More Videos
Most Popular