Filtered by: Showbiz
Showbiz

Zsa Zsa still hoping for recognition of Dolphy as National Artist; says Nora and Vilma deserve it too


 

Bago pa man ang mainit na usapin sa pagkakatanggal ni Nora Aunor sa listahan ng mga nahirang na National Artists ngayong taon, naging maugong din na posibleng mahirang sa naturang parangal ang yumaong Comedy King na si Dolphy.

Katunayan, sinabing dapat naging National Artist na si Dolphy noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo pero hindi raw nakalusot sa ikalawang pagsalang ng mga hurado ang komedyante.

Basahin: Why Dolphy cannot be declared National Artist yet despite strong clamor

Basahin: PNoy's hands tied from conferring National Artist title on Dolphy)

Pero hindi man nakuha ni Dolphy ang pinakamataas na pagkilala sa mga alagad ng sining, iginawad naman sa kaniya ni Pangulong Benigno Aquino III ang mataas na pagkilala sa mga pribadong indibidwal na Grand Collar of the Order of the Golden Heart noong 2010.
 
Sa artikulong isinulat ni Melba R. Llanera sa Philippine Entertainment Portal (PEP) nitong Miyerkules, sinabi ni Zsa Zsa Padilla na hindi totoo na napipisil ng Palasyo na gawing National Artist si Dolphy dahil sa pagiging malapit niya sa bunsong kapatid ni PNoy na si Kris Aquino.
 
“My God, no, there’s nothing personal," anang singer-actress. "I'm little busy right now, and alam naman ninyo ang schedule ni Kris, 'di nga kami nagkikita."

Idinagdag ng Divine Diva na ilang buwan na rin silang hindi nagkikita ni Kris.

Gayunman, naniniwala si Zsa Zsa na, "everyone is deserving in his or her own time, hindi ba?"

Hindi niya itinanggi na pinangarap nila ni Dolphy na matanggap sana nito ang National Artist award noong nabubuhay pa.

"We’re hoping one day, ibigay din sa kanya," anang mang-aawit kahit wala na ang komedyante.

Dagdag pa ni Zsa Zsa, naniniwala rin siya na karapat-dapat sa naturang parangal si Nora Aunor dahil sa mga tinamo nitong pagkilala sa kaniyang sining bilang aktres at mang-aawit.

"Alam mo, lahat ng singer/actress, iniidolo siyempre si Nora," ani Zsa Zsa. ""I think si Ate Vi [Vilma Santos] is also deserving.”

Nitong Martes, isiniwalat ni PNoy na ang pagkakasangkot noon ni Nora sa isyu ng iligal na droga kaya natanggal ito sa listahan ng mga paparangalan ngayong taon bilang national artist.

Basahin: PNoy: Nora’s drug problem cost her National Artist title

Hindi naman itinanggi ni Nora na nasaktan siya sa nating desisyon ng Palasyo. -- FRJ, GMA News
More Videos