Filtered By: Showbiz
Showbiz
Claudine Barretto agrees to set aside differences with estranged husband Raymart Santiago
By ARNIEL C. SERATO, Pep.ph
Naging usap-usapan sa Internet noong June 28, ang magkasunod na posts ni Claudine Barretto sa kanyang Instagram account.
Laman kasi ng mga larawang ito ang kuha nilang pamilya: siya, ang estranged husband nitong si Raymart Santiago, at ang dalawa nilang anak na sina Sabina at Santino.
Sa unang larawan, naka-caption dito ang mga salitang, “The Kids,their Dad & i:).”
Sa kasunod na larawan, sinabi ni Claudine ang mga ganitong salita, “happy day!”
Sa pangatlong larawan, caption ni Claudine, “Belated Happy Birthday @sabina_621 @raymartsantiago.”
Kuha daw ang mga larawang ito nang magkita ang pamilya sa isang restaurant sa Eastwood, Libis, Quezon City.
Samantala, noong June 20, ang ika-10 kaarawan ni Sabina, binati naman ito ni Raymart sa pamamagitan ng Instagaram. Sabi niya, “I Love You my Sabina Happy 10th Bday ????????”
For the sake of the children
Noong hapon ng June 29, eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang abogado ni Claudine na si Atty. Ferdinand Topacio sa telepono.
Noong hapon ng June 29, eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang abogado ni Claudine na si Atty. Ferdinand Topacio sa telepono.
Panimula niya tungkol sa mga nasabing larawan, “Ano lang 'yun, nag-agree sila to be cordial to each other for the sake of their children. Kasi naapektuhan ang mga bata siyempre sa pag-aaway, the tug of war between the parents.
“All I can say is that ano, ang nag-broker nun is 'yung court. That is within the context of the case for custody.”
Kasunod na kaya nito ang usaping pag-urong na ng mga kasong isinampa nila laban sa isa’t isa? Saad ni Atty. Topacio, “Wala pang ganung usapan." —Pep.ph
Tags: claudinebarretto, raymartsantiago
More Videos
Most Popular