Filtered by: Showbiz
Showbiz
Gab de Leon talks about being compared to parents Christopher de Leon and Sandy Andolong
By ROMMEL GONZALES, Pep.ph
Ang Teen Gen na nagtapos noong June 2013 ang huling show ni Gab de Leon sa GMA-7.
Hindi naman nainip si Gab, kahit matapos ang isang taon ay hindi pa iyon nasusundan ng isang regular show.
“Okay lang, I kept myself busy naman. Nag-theater ako.
“Maliliit lang, since we’re beginning, small lang 'yung plays namin sa mga schools,” sabi niya.
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gab sa pocket interview ng mga bagong hunks ng GMA Artist Center, kasama rin ng mga baguhang sina Rafa Siguion-Reyna, Vince Velasco at Lance Serrano.
Bakit ayaw niyang sumalang sa malalaking plays tulad ng Grease, Ghost,at iba pa?
Paliwanag niya, “'Pag na-develop. I just think na I’ll have my time siguro, pag reding-ready na ako.”
Tinanong namin si Gab kung kaya ba niya ang ginawa ni Daniel Radcliffe sa play na Equus kunsaan may frontal nudity scene ito?
Ginawa rin ito ni Red Concepcion sa production ng Equus dito sa Pilipinas.
“Ginawa niya?
“Hindi ko pa nabasa 'yung Equus, e. Depende sa script,” sagot ni Gab.
Kung kailangan talaga sa eksena, gagawin niya?
Pakli niya, “Yeah siguro!”
Kahit mahaba ang eksena na nakahubad siya, gagawin niya?
“Yes! I have to be prepared,” dagdag pa niya.
Pero papayagan kaya siya ng mga magulang niyang sina Christopher de Leon at Sandy Andolong?
“Yeah, I guess so. Yeah. Siguro we have to have a conversation pero papayag naman 'yun kasi they’re both artists rin naman,” pahabol pa ng bagitong aktor.
Famous parents
Speaking of his famous parents, ano ang advantage ng maging anak nila, lalo na sa pagpasok ni Gab sa showbiz?
“My advantage is, parang growing up, I got used to the business.
“Tapos being who they are, serious actors, na-take ko rin 'yun, like what I’m here for talaga is 'yung craft.
“And if they’re there, they’re gonna help me, if ever, and 'yung support nila nandiyan kasi they know how to go through it.”
Ang disadvantage naman?
“Ang disadvantage is like, 'yon, naku-compare.
“Pero I will say naman, you compare us naman kasi—yeah 'yung parents ko, Christopher [de Leon] and Sandy Andolong—pero 'yung as an actor, that’s where I see na different 'yung experience ng dad ko, different yung mom ko.
“'Yung experiences nila, different sa experiences ko.
“So magsu-show 'yun through what we bring sa acting. I think the experiences we have and the generation of how we are now, I think merong factor na different for me.”
On Janine Gutierrez
Pamangkin ni Gab ang fast-rising young actress at Villa Quintana female lead na si Janine Gutierrez, at masaya raw si Gab sa tagumpay na tinatamasa ni Janine ngayon.
“I’m happy for her! Kumanta kami dati sa Party Pilipinas, nag-duet kami. Tapos ngayon I see her sa TV and I’m happy for her naman na may job siya, kasi ka-workshop ko rin siya. Ang galing niya!
“Very intelligent actress!” pagmamalaki niya.
Pero siyempre hindi sila maaaring maging love team ni Janine dahil pamangkin nga niya ang young actress. Kaya tinanong namin si Gab kung sino ang nais niyang makapareha o maging ka-love team sa GMA.
Maikli niyang sagot, “Anyone, really.”
Sa Teen Gen, bilang kuya-kuyahan siya ng mga tween stars doon ay wala siyang ka-love team.
Kung papipiliin siya ng GMA ng kapareha niya, sakalaing bigyan na siya ng launching project…
“Probably… sino nga ba? Ang dami nga, e. Well I really can’t…”
Pero nang nabanggit ang pangalan ni Sam Pinto…
“We went to the same school! 'Yan, si Sam Pinto!”
Magkakilala na raw sila noon pa ni Sam sa St. Benilde.
“Hi, hello, pero hindi kami close.
“She’s very humble 'tsaka quiet lang siya sa school,” banggit pa niya.
Pero ang nais raw talaga makatrabaho ni Gab ay ang mga veteran stars.
“Well maybe parents ko, or si Tita Lorna [Tolentino].”
Nakatrabaho na raw niya dati ang ina niya bilang co-star sa Maalaala Mo Kaya noong 2010.
“Tapos 'yung dad ko ang nagdirek. So it felt good naman.”
Hindi raw naman siya nahirapan na umarte sa harap ng kamera kahit kaeksena ang ina niya at ang ama niya ang nagdidirek.
Wala siyang naramdamang pagkailang?
“Wala, wala. Parang normal lang. Madali lang.
“Kasi alam nila talaga 'yung process, e. So they know how to make you feel at ease talaga.
“So nung nasa set ako nun, talagang calm ako. Tapos 'yung dad ko, 'yung direction niya very specific. Very calm, quiet.”
Ano naman ang best advice na ibinigay sa kanya ng ama niya?
“They just tell me to be ano, with any job I want to take, to go for it.
“Tapos 'yung respect sa tao, parating nandun 'tsaka 'yung professionalism nandun din. So that’s what I wanna put sa acting ko,” lahad niya.
Gusto ni Gab na makilala siya bilang isang serious dramatic actor tulad ng ama niya, pero bida man o hindi, basta “meaty” ang role.
Paborito raw niya ang Tinimbang Ka Ngunit Kulang among his dad’s movies.
Love life
Dalawa't kalahating taon na ang relasyon ni Gab sa girlfriend niya—ang blogger na si Camie Juan.
“Personal blogger siya,” banggit pa ni Gab tungkol sa GF niya na nakilala niya sa school.
Wala pa raw silang balak magpakasal.
“We want to ano, make careers for ourselves. Kasi that’s the best way naman, e.”
Naging mag-best friends muna raw sila ni Camie bago sila nagkaroon ng relasyon.
“Tapos biglang kami na, so it’s so easy to be with her. Kasi, sinasabi nga ng mom ko na dapat best friends muna kayo, so para easy na lahat, e.”
Vocal si Gab sa pagsasabing may GF na siya, hindi tulad ng ibang baguhang artista na itinatago ang kanilang relasyon sa mga selosong fans.
Tanong niya, “Why? I mean why will I hide her naman?”
Wala rin daw nagsabi sa kanya na itago ang GF niya.
Kung sakaling may mag-advice sa kanya na itago muna ang relasyon nila ni Camie, gagawin ba niya?
“Hide her? No!” giit niya.
Mahal niya talaga ang girlfriend niya.
“Yes!
“And if I do ano naman, love team-love team, or if ever, that’s on the job side naman.
“Even though we have 'yung job na ito, where we’re all known, how can you be human if you can’t have a personal life naman, 'di ba?
“You have to separate it somehow,” saad niya.
Hindi raw selosa si Camie.
“She’s very understanding.”
Close si Camie sa parents ni Gab, at si Gab sa parents ni Camie.
Mas pumayat si Gab ngayon na mas bumagay naman sa kanya.
“Nagdya-jogging ako.”
Photography
Bukod sa acting ay tapos ng kursong Photography si Gab.
“For now I’ll do it for the arts.
“Siguro once in a while, I’ll have an exhibit, mga ganun, exhibits and stuff like that.”
Sino ang artistang gusto niyang kunan ng nude kung sakali?
“Hindi ako ma-model na photographer.”
Pero kung sakali, sino ang kukunan niya ng larawan ng nakahubad?
“Nude? Ewan ko lang,” at natawa si Gab.
“Self-portrait na lang! Selfie, selfie na lang,” at muling tumawa si Gab.”
Kukunan niya ang sarili niya ng nude?
“Yeah, art din 'yun.”
Gagawin niya iyon?
“Puwede! We’ll see, one day,” ang tumatawang pagtatapos ni Gab sa aming panayam. —Pep.ph
Tags: gabdeleon
Find out your candidates' profile
Find the latest news
Find out individual candidate platforms
Choose your candidates and print out your selection.
Voter Demographics
More Videos
Most Popular