Filtered By: Showbiz
Showbiz

Deniece Cornejo wishes for justice on her 23rd birthday




PEP EXCLUSIVE.  Dalawang araw matapos ang kanyang ika-23 kaarawan, napagbigyan ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na mabisita sa loob ng kanyang piitan si Deniece Cornejo, ang modelong naghain ng reklamong rape laban sa aktor na si Vhong Navarro.

Kasalukuyan siyang nakapiit sa detention cell ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Camp Crame, Quezon City, dahil sa kasong serious illegal detention na isinampa naman ni Vhong laban sa kanya at iba pa, kasama na ang negosyanteng si Cedric Lee.

Nitong Martes ng hapon, June 3, eksklusibong nakausap ng PEP staff writers na sina Arniel Serato at Rachelle Siazon si Deniece sa loob ng kanyang detention cell, sa tulong na rin ng abugado ng modelo na si Atty. Ferdinand Topacio.

Isang nakangiting Deniece ang bumungad sa amin.

Dahil kaarawan niya noong June 1, inusisa muna ng PEP sa modelo ang kanyang wish para sa kanyang nagdaang birthday.

Sagot ni Deniece, “Of course, number one, I hope I will get my ano… of course, my justice.

"At the same time, ma-continue pa rin yung mga goals ko sa buhay.

“Because I’m very young, you know. And, of course, I want to be happy again.

“And to continue as an inspiration to all fellow women and also to fellow Filipinos.”

MORE MEANINGFUL BIRTHDAY. Noong Linggo ay nagkaroon ng simpleng salu-salo ang kanyang buong pamilya sa piitan upang ipagdiwang ang kaarawan ni Deniece.

Basahin: Deniece Cornejo turns 23 in detention

Ayon kay Deniece, noong mga nakaraang kaarawan niya ay simple lamang ang kanyang mga naging selebrasyon.

Minsan, namamasyal lang sila sa mall, kumakain sa labas, at nagkakape.

Pero sa tingin daw niya, ang selebrasyon sa loob ng selda ay mas "grande" kumpara sa selebrasyon sa labas ng kulungan.

Paliwanag niya, “Ngayon ko lang naranasan, after nung seven years old birthday ko, yung may mga balloons, which is from my brother.

"'Tapos kumpleto yung family, na hindi lang sila pumunta dahil may okasyon, kundi pumunta sila dahil they want to see you.

“Yung gusto nila ikaw kamustahin.

"And iba yung meaning ng pagpunta nila doon sa kaarawan mo, e.

"So, mas meaningful pa rin yung birthday ko ngayon kaysa sa dun mga past.

"Actually, mas grande 'to kaysa dun sa mga ano… wala namang pinagbago, mas kumpleto lang ngayon.”
 
“GOD IS GUIDING US.” Sa birthday celebration ni Deniece sa CIDG compound noong Linggo, sorpresang dumating si Roxanne Cabañero.

Si Roxanne ang ikalawang babaeng lumantad at nag-akusa rin ng panggagahasa laban kay Vhong.

Sabi ni Deniece tungkol sa pagdating ni Roxanne, "Di ko ini-expect, 'tapos nagulat ako, na-shock ako. And she’s really pretty as well."

Ano ang pinag-usapan nila?

“Kahit hindi niyo pa pinag-usapan yung nangyari sa amin sa isa’t isa, kasi iba yung 'pag hinawakan mo yung kamay ng tao, kapag nagkatinginan kayo sa mata na parang, ‘Naintindihan kita, naintindihan kita.’

“Na, 'Kaya natin ‘to.’ Na merong tao dito na nagkakaintindihan.

"Iba yung feeling, e, na may kakampi ka, na pareho kayo ng ipinaglalaban, na may suporta. Iba yun."

Iginiit ni Deniece na hindi si Roxanne ang tinutukoy niya sa mga nakaraang panayam na iba pa diumanong biktima ni Vhong.

Saad niya, “When you open a fire, people will come to you na ito yung mga naging cause ng mga fire.

"You know what I mean? Na nung nangyari sa akin yun, may mga taong hindi ko ini-expect na lumapit."

Ano naman ang sinabi niya kay Roxanne?

Ayon kay Deniece, “Parang, ‘Magtiwala lang sa Diyos at makakaraos din tayo.’

“Na, ‘God is guiding us.’ Yun lang.

"Hinawakan ko siya nang mahigpit."

Buo ang loob ni Deniece na maipapanalo nila ang reklamong panggahasa laban kay Vhong.

Saad niya, “Kailangan. Kasi, why? This is not only the case of Vhong Navarro against Deniece Cornejo, about rape, rape.

“This is the fight between what really rape is, what justice is, and what’s happening to those people [rape victims], how they view rape culture.

“And may mga taong… siguro… parang positive pa rin ako na, ‘Okay, Lord, kung nakulong ako.'

"Bakit kaya ako nakulong? What the message is kaya?  

"If you have a rape issue, report it, kundi mababaligtad ka." -- Arniel C. Serato, PEP