Filtered By: Showbiz
Showbiz
Maricar de Mesa surprised by Don Allado's decision to separate
PEP EXCLUSIVE: Malaking tulong daw sa aktres na si Maricar de Mesa ang pagdalo niya sa events para kahit paano ay makalimutan niya ang masalimuot na sinapit ng kanilang pagsasama ng asawang si Don Allado.
Kamakailan ay umamin si Maricar na hiwalay na sila ng PBA player.
Isa si Maricar sa celebrity models na rumampa sa EDSA Shangri-La Hotel noong Huwebes, May 22, para sa fashion show ng Hollywood fashion designer na si Pia Gladys Perey.
Kabado pa raw ang aktres sa pagbaba ng hagdan sa lobby dahil sa pag-aalalang baka matapilok at malaglag siya.
Ang mga ganitong exposure daw ay isang relief kay Maricar dahil sandali niyang nakakalimutan ang depression sa paghihiwalay nila ng dating Meralco Bolts power forward.
Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Maricar pagkatapos ng fashion show.
Ito ang unang pagkakataong nagsalita siya pagkatapos nilang maghiwalay ni Don.
SURPRISED BY SEPARATION. Kumusta na siya ngayon pagkatapos ng mga nangyari?
“I’m coping… mahirap,” seryosong tugon ng Villa Quintana actress.
Kailan niya natanggap na hindi na talaga sila puwedeng magkabalikan ni Don?
Saad ni Maricar, “Hindi ko pa siya fully accepted.
“I guess, I’m slowly trying to accept it, accepting the idea na…
“Ang hirap naman, kasi eleven years kaming nagsama, and it’s not easy to throw that away—yung pinagsamahan namin na napakaayos
“So, I’m still taking it one at a time. Yun na lang.”
Maging si Maricar daw ay nagulat sa paghihiwalay nila ni Don.
“Ako rin talaga nagulat. Ginulat niya ako.
“Parang bigla na lang niya akong in-upper cut ‘tapos knockout ako.
“Gano’n ang ginawa niya sa akin.”
Wala bang paramdam si Don bago siya hiniwalayan nito?
“Wala,” mabilis na sagot ni Maricar.
PETTY DISAGREEMENTS. Ipinaalala namin kay Maricar ang naging pahayag niya sa naunang panayam ng PEP sa kanya, kung saan sinabi niyang may mga hindi sila pagkakaunawaan at mga diskusyon na mag-asawa.
Paglilinaw niya rito, “No, no… hindi away na malaki, petty lang.
“We had disagreements before. I guess naman every couple has their own disagreements.
“Pero yung sa amin is really petty. Hindi nga kami nagsisigawan or whatsoever, e.
“And for eleven years, we never really separated na like this. Never, never really happened.
“’Eto talaga yung major at tumuluy-tuloy pa.”
May communication pa ba sila?
“Sa ngayon, wala. Lawyer to lawyer na lang kami,” pag-amin ni Maricar.
Totoo bang naghahanda na si Don para sa pagpa-file ng annulment ng kanilang kasal?
Sagot ni Maricar, “I’m waiting.
“Wala pa naman mini-mention yung lawyer ko about it, but I’m waiting.
“We’re discussing some issues now.
“Number one is yung basic… yung separation of properties. So, dun muna kami.
“I was also advised by my lawyer not to talk about muna yung mga major naming problema.
“Like, yung mga dahilan kung bakit kami naghiwalay, or any related to our marital problems causing the separation.
“And also naman, I’ve been saying, in time.
“Hindi pa rin ako ready na pag-usapan nang one-on-one. Hindi pa, e, mabigat pa.”
ALONE AGAIN. Aminado rin si Maricar na nahihirapan siyang mamuhay muling mag-isa.
“Sobra. It’s hard to be alone, it’s difficult, actually.
“It’s my first time to be doing everything on my own.
“You know, it’s eleven years na dependent ako sa kanya.
“I sleep alone, I wake up alone. I come home to an empty house.
“I eat alone. I do things on my own now.
“Natuto na akong magsimba alone. Natuto akong manood ng movie alone.
“So, basically, I guess, it’s a process. I’m learning to enjoy being alone.
“Siyempre madaming memories na naaalala mo at naiiyak na lang ako.”
Ano yung mga pagkakataong naluluha siya?
“Well, ang dami... Number one, siyempre kapag mag-isa ako sa bahay.
“Simple things lang… Kapag hindi ko mapaandar yung WiFi, kasi yun [Don] ang maganun sa bahay namin.
“So, naiiyak na lang ako.
“Or ‘pag pagod ako galing work, uuwi na lang ako, and I know I’m alone, my house is empty.
“Yung mga ganung bagay na iniiyakan ko ngayon.”
May mga gamit pa ba si Don sa bahay nila?
“Meron pa.”
Kailangan pa bang kunin ni Don ang mga ito?
“I hope so. Kasi magiging kalat na siya eventually.
“So, I guess kukunin din niya ang mga yun.”
Kapansin-pansin din ang mabilis na pag-iyak ni Maricar sa mga eksena niya sa afternoon series ng GMA Network na Villa Quintana.
Nangingiting kuwento niya, “Sabi ko nga sa mga tiga-production, ‘Sinasadya niyo ba ito dahil alam ninyong marami akong baon-baon? Sinasadya niyo bang magwala-wala ako diyan, mag-iiyak ako…’
“Niloloko nila ako. It’s so easy for me.”
LESSONS LEARNED. Mahal pa rin ba niya si Don?
"Of course," mabilis na sagot ni Maricar.
“Napaka-ipokrita ko naman kung sasabihin ko na wala na, hindi ko na siya mahal.
“Maganda naman yung itinamin niya, e… not until now.
“So, I’m just trying to ano lang… one day at a time.”
Wala na ba talagang pag-asang magkabalikan sila?
“Hindi ko talaga masagot, e. Pero sa ngayon, mukhang… hindi ko alam.
“Wala kasi akong nararamdaman na ganun ngayon, e.”
Ano ang mga natutunan ni Maricar sa pinagdadaanan niya ngayon?
“I’ve learned so much. Number one, yung pakikisama sa tao.
“Maybe, pakikisama rin sa bagong relationship, which is kung magkakabalikan kami, baka magulat siya sa magiging changes at adjustments ko.
“Pero kung hindi na talaga kami magkakabalikan pa, iba yung magbi-benefit.”
POSSIBLE REASONS. Kung mayroon siyang pagkakamali, kasalanan o pagkukulang, ano ito?
Sabi ni Maricar, “Meron naman, meron naman… huwag na, saka niyo na lang itanong yun.
“Pero admitted naman ako na may pagkukulang.
“Siyempre, it takes two to tango. Siyempre, hindi naman yung sa kanya lang.”
May balitang ang lavish lifestyle at kaliwa’t kanang paggastos diumano ni Maricar ang isa sa mga naging problema sa kanilang pagsasama ni Don. Totoo ba ito?
“A, huwag na muna nating i-touch yung topic na ‘yan,” pag-iwas niya.
Paano na ang in vitro fertilization procedure na inumpisahan nila ni Don upang magkaroon sila ng anak?
“A, wala. Cancel na yun. Baka itinapon na niya,” tila nagbibirong sabi ni Maricar.
Gaano kalaki ang panghihinayang niya sa naudlot na clinical reproduction procedure na ito na gagawin sana nila?
“Sayang, e. Nag-effort na kami, gumastos na kami.
“We took time talaga for that. Down to drain… wala na.”
May kinalaman ba ang hindi nila pagkakaroon ng anak sa kanilang paghihiwalay ni Don?
“I guess, somehow. Hindi siya nakapaghintay.
“Pero malay mo naman may willing maghintay, ‘di ba?”
Bukas na ba siya sa pakikipag-date sa ibang lalaki para maibsan ang kanyang kalungkutan?
Sagot ni Maricar, “You know, I meet new people. I’ve been going out a lot these days.
“’Pag hindi ako nagtatrabaho, yung mga invitations ng mga friends na gaya nito, marami akong nami-meet na ibang tao.
“Kung dating? Hindi pa ako ready makipag-date.
“Gusto ko mawala muna yung pain, yung hurt na meron ako.
“And then, after that, I’m hoping that I’ll find happiness again someday.
“Sa ngayon, wala pa sa vocabulary ko ang happiness, e.”-- Rey Pumaloy, PEP
Tags: maricardemesa
More Videos
Most Popular