Filtered By: Showbiz
Showbiz
Rosanna Roces, planong ipatanggal ang breast implant para mabawasan ang dibdib
Sa ulat ni Rose Garcia sa Philippine Entertainment Portal nitong Miyerkules, sinabi ni Rosanna na ang "Hustisya" ay sa ilalim ng pamamahala ng premyadong direktor na si Joel Lamangan.
Dalawa pang pelikula ang nakatakda umano niyang gawin ngayong taon, bagaman maliit lang umano ang kaniyang role.
“So, especially itong taong ito, I have Padre de Familia, Whistle Blower… maliit lang ang role ko, pero maganda," pahayag niya.
Hindi naman itinanggi ng aktres ang matinding paghanga kay Nora, na karapat-dapat umanong mahirang na national artist.
“Ako, I’m really waiting na maproklama na siya [bilang National Artist]. Wala namang iba talaga," aniya. “Ako talaga, kapag nangyari yun, nandoon ako at iiyak talaga ako.”
Sa ngayon, love less daw si Rosanna at nakatuon ang kaniyang atensiyon sa kaniyang pamilya.
“Nasa bahay lang ako, nag-aalaga ng apo," tugon niya nang tanungin kung ano ang pinagkakaabalahan.
Wala raw ka-partner si Rosanna at isda umano ang kasama niya sa bahay.
“Imbes na awayin ka, pakitang-gilas sa ‘yo. Pakainin mo, may ibabalik sa ‘yong kabutihan," patungkol niya sa alaga. “E, kung tao ‘yan, ‘di ba?”
Dahil na rin umano sa kaniyang edad na 42, plano na rin daw ni Rosanna na ipatanggal na ang ipinalagay nitong breast implant noon para ma-resize at mabawasan ang kanilang dibdib.
Gusto rin daw kasi ng aktres na nagpapapayat.
“Kailangan din… E, ang hirap pa naman sa edad na ito, ang bagal nang magpapayat," aniya.
Biro pa ni Rosanna, naka- "boundary" na ang idinagdag niyang boobs noon kaya pwede na niyang ipatanggal bukod pa sa pangamba niya na baka pagmulan iyon ng cancer.
“So, in time… tapos na kasi ang ano niya, boundary ‘to," anang aktres. “Alangan namang hanggang sa ataul, kasama ko ‘to!”
Nang tanungin kung ano ang plano niya kapag natanggal na ito, natatawang tugon ng aktres, "Ay, ido-donate ko sa highest bidder na bakla!” -- FRJ, GMA News
Tags: rosannaroces
More Videos
Most Popular