ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

YouTube sensation Petra Mahalimuyak, gustong tawagin na siya ngayon bilang Ashley Rivera


 


Ang Internet sensation na si Petra Mahalimuyak ang FHM cover girl ngayong April 2014.
Si Petra—Ashley Rivera sa totoong buhay—ay nakilala dahil sa kanyang YouTube videos na naging viral sa buong mundo, 'tulad ng My British Accent, How to Dance in a Club, How To Dougie, at How To Get Get ABs in 1 Min.

Hindi raw niya akalain na magiging daan ang kanyang YouTube character para maging cover girl ng top men's magazine mula sa Summit Media.

Aniya, "I'm blessed and honored and, at the same time, I don't know what to expect.

"This is my very first magazine cover and it's grabe talaga, FHM kaagad.

"Well, I'm really happy, 'coz it's a big break for me.

"FHM is, of course, a very popular magazine at marami ang bumibili.

"And I hope heto ang magli-lead sa booming career ko."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Petra sa autograph signing niya para sa FHM noong Linggo, April 6, sa Activity Center ng SM Mall of Asia.
 
SEXIEST. Ngayong nagsimula na ang botohan para sa FHM's 100 Sexiest Women, may posibilidad na mapabilang si Petra sa listahan.

Lalo na't ang photo cover niya ay nagpapakita ng kanyang malulusog na dibdib at seksing korte ng katawan.

Reaksiyon niya, "Oh, my gosh, hopefully, hopefully.

"We'll see... I don't know, I don't know."

Sinabayan niya ito ng panawagan sa kanyang mga tagahanga: "Please vote for me.

"Sana maging Top 5 ako, Top 10 o Top 30. Kahit anong top."

Pangako pa niya, "Since this is my first time, magpapapayat talaga ako, magpapa-abs ako."

Pero kung siya raw ang boboto, diretsahang sabi ni Petra na ang number one para sa kanya na sexiest sa taong ito ay si Solenn Heussaff.

"I guess Solenn is really sexy.

"Of course, Marian Rivera and also Angel Locsin.

"Sila yung kind of body na gusto sa isang girl kaysa yung iba, they are just skinny."

ATE MARIAN. Sa araw na yun ng autograph signing ni Petra, marami ang pumansin na may hawig siya kay Marian Rivera.

Medyo nahihiya, pero napabungisngis na sabi naman niya, "I always tell people na she's my ate.

"They actually believe me.

"Yeah, I told them that Marian is my ate, Rivera siya at ako rin, and I'm her little sister.

"Actually, I've worked with her before sa My Lady Boss and we get along really well.

"Kaya nga feeling ko ay long-lost sister ko talaga siya.

"Pero siyempre, joke lang yun."

LOSING PETRA. Pagdating naman sa usapin tungkol sa sikat niyang karakter, inamin ni Petra unti-unti na niyang inihihiwalay ang sarili rito.

Basahin: Petra Mahalimuyak: 'Life is short; don't take yourself seriously'

Mas gusto na raw niyang tawagin sa kanyang tunay na pangalan na Ashley Rivera.

Saad niya, "I'm still a comedienne, I guess, pero hindi na yung 'Petra-Petra' na YouTube stuff.

"I don't pose videos anymore.

"I really wanna do showbiz, I'm serious about it, and I wanna be an actress.

"TV, movies, like that, so break muna ako sa YouTube stuff."

Paliwanag pa ng Internet sensation, "I know that Petra Mahalimuyak is really a catchy name and is popular.

"But I'm trying to [make the] transition.

"So, when I introduce myself, I say, 'I'm Ashley Rivera.'"
 
NO LUCK. Sinubukan na pala niyang makapasok sa showbiz bago pa man sumikat ang kanyang YouTube videos.

Pero nabigo raw siya.

"Yeah, I did try my luck before sa showbiz.

"I auditioned for a lot of shows like StarStuck, Pinoy Big Brother, Star Factor, lahat yun.

"'Tapos nag-extra rin ako sa mga teleserye na tipong buhok ko lang ang nakikita.

"Walang nangyari sa mga audition na yun, it was like nothing.

"The weird thing is nung pumunta ako sa States ay dun ako na-discover because of my  videos."

Si Ashley ay ipinanganak sa Los Angeles, California, pero lumaki sa Las Vegas, Nevada.

Ayon pa sa kanya, hindi niya talaga inasahan na tatangkilikin ng milyun-milyong YouTube viewers ang kanyang videos.

Wala naman daw siyang intensiyon pasikatin ang kanyang sarili.

Nangingiting pahayag niya, "It was unexpected.

"Like, I pose a video and 'woh!, sisikat ako.'

"It just happened, I guess, na it's God's time talaga na...

"Really, masaya ako na things are happening now sa buhay ko.

"I have so many people to thank for." -- Glenn Regondola, PEP