Filtered By: Showbiz
Showbiz
Marian Rivera on kissing scene in Carmela: 'Napaka-gentleman ni Alden Richards pagdating sa ganun'
Sa dinami-dami ng nagawa na niyang mga teleserye at pelikula, hindi na-link ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa kanyang leading men, maliban sa kanyang real-life boyfriend na si Dingdong Dantes.
Pahayag ni Marian tungkol dito, “Kasi, ang trabaho sa akin, trabaho. Iba ang personal na buhay.
"Kaya nga noong nagsisimula ang Carmela, sabi ko, 'Kung gagawa rin ng promo, hindi kailangang i-link ako sa isang lalaki.'
“Naniniwala ako, kung maganda ang soap opera, papanoorin ‘yan.
"Ganun naman ang nangyari sa amin ni Alden—ang trabaho, trabaho."
Si Alden Richards ang leading man ni Marian sa kasalukuyang umeere niyang primetime series sa GMA, ang Carmela: Ang Pinakamagandang Babae Sa Mundong Ibabaw.
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Marian sa launching ng April 2014 issue ng Women's Health magazine.
Ginanap ito nitong Huwebes, April 3, sa Privato Hotel, Shaw Blvd., Pasig City.
EXTENDED. Marami na rin ang nag-aabang kung magkakaroon ng kissing scene sina Marian at Alden sa kanilang teleserye.
Natatawang pagbabalita naman ni Marian, “Sa nine weeks na script namin, first time naming magki-kiss ni Yago.”
Kinakabahan nga raw si Alden.
“Okay na yung kabahan siya kesa hindi.
"Ang maganda sa amin ni Alden, alam namin na ang trabaho, iba sa personal na buhay.
"Pagkatapos ng taping, kapag naghiwalay na kami, iba na yun.
“Si Marian na ako at si Alden na siya.
"At napaka-gentleman ni Alden pagdating sa ganun."
Hindi kaya nai-intimidate sa kanya ang mga nakakapareha niya, bilang Kapuso Primetime Queen, kaya wala sa mga ito ang naglalakas ng loob na digahan o ligawan siya?
Sabi ni Marian, “Nai-intimidate? Ayokong gamitin ang intimidate.
"Siguro tanungin niyo na lang ang mga kasama ko kung ano ko sa trabaho.
"Kung paano ko sila ginagawang kampante kaya nagwo-work ang soap opera talaga.”
Posible rin na open kasi sila ni Dingdong sa relasyon nila?
Sabi ng aktres tungkol dito, “Bukod sa open kami, naniniwala ako na malaki ang respeto ng mga artista sa amin kaya ganyan.”
Maganda rin ang feedback sa chemistry nila ni Agot Isidro bilang mag-nanay sa teleserye.
Sabi ni Marian, “Ang sikreto riyan, off-cam, okay kami ni Ate at wala kaming ginawa kung hindi ang magkuwentuhan.
"Napakagaan katrabaho ni Ate Agot. Kaya sobrang thankful ako na nakatrabaho ko siya."
Nilinaw naman ni Marian ang usap-usapang hanggang huling linggo na lang daw ng April ang Carmela.
Sabi niya, “Nagpapasalamat ako dun sa mga Kapuso natin na na-hook talaga sa Carmela at ipinaglalaban nila ito.
"Mali po ang mga haka-haka dahil ang Carmela po ay extended for three more weeks.
“So, hanggang May pa po ito.” -- Rose Garcia, PEP
Tags: marianrivera, carmela
More Videos
Most Popular