Filtered By: Showbiz
Showbiz
Joey de Leon reveals Mike Enriquez became emotional while shooting Lenten special in Holy Land
Mag-aalsabalutan ang Dabarkads ng Eat Bulaga ngayong Holy Week at sa Toronto, Canada, ang destino nila. Ayon kay Joey de Leon, hindi bakasyon ang habol nila doon dahil trabaho pa rin ang gagawin nila. Magso-show sila abroad, sabi nito nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media sa Sunday All Stars (SAS) noong Linggo, March 30. Ito ay para sa Live ang Eat Bulaga sa Sony Center sa Toronto, Canada. Pahayag nito, “Kasama namin si Ryzza Mae Dizon. "Sabi ko nga do’n sa nanay ni Ryzza, mainit do’n sa Toronto lalo sa may bandang Niagara. “So kailangan naka-shorts siya at saka naka-hang shirt,” sabay tawa ng TV host comedian. “Um-oo naman, kaya malamang ‘iyon na ang huling pagkikita namin ng nanay ni Ryzza. "Kasi ang lamig-lamig do’n!” patuloy na pagbibiro pa ni Joey. “Kidding aside, kasama nga namin doon si Ryzza at ang buong Dabarkads. "So gusto kong ipaabot ang imbitasyon sa mga taga-Canada na mga kababayan natin, April 12, po ay nando’n ang Eat Bulaga. “Tapos, kung saan-saan na kaming lupalop, sina Vic [Sotto] yata, sa Amerika, sa bandang west sila. “Kami, hindi ko pa alam… sa tabi-tabi na lang kami,” tawa ulit niya. Nagta-taping na rin daw sila ng ilang advance episodes ng Eat Bulaga. “May magaganda kaming drama special… para sa tatlong araw yata iyon." Bukod rito ay may ginawa itong isang TV special na kasama ang broadcaster na si Mike Enriquez at si Danny Samonte. Aniya, “Ito ‘yong Banal Na Paglalakbay." Kuwento pa ni Joey, "Magkasama kami ni Mike na nag-Holy Land last week lang. “Si Mike, do’n ko lang nakita na… alam n’yo naman si Mike Enriquez, isang tunay na tao. "Naging emotional siya sa isang misa namin. (Basahin: Bakit hindi natupad ang pangarap ni Mike Enriquez na maging pari?) “Ayokong sabihin na napaiyak siya pero… parang gano’n na nga!” tawa na naman ni Joey. Mga 12 days silang nagtagal sa Holy Land at ipapakita nila sa show na naligo sila sa Dead Sea. Pabirong dagdag pa nito, “Maganda sa Dead Sea, lulutang ka talaga, e. “Mga buhay, ha! "Dito kasi sa Pilipinas, kapag may lumutang sa dagat, alam mo… patay na, di ba?" Sa Huwebes Santo ipapalabas ang show nila ni Mike Enriquez, 7:30 hanggang 9:00 ng gabi sa GMA. Doon naman sa Lenten Drama Special ng Eat Bulaga ay kasama si Joey sa episode na kinabibilangan nina Bea Binene at Michael V. Heavy drama ito at isang lumpo ang role ni Bea. Saad nito, “Nakalinya ako sa comedy pero ginagawa namin itong drama. "Parang… sakripisyo sa panahon ng Lenten season. "Kasi mahirap ding umiyak, e." -- Ruben Marasigan, PEP
Tags: mikeenriquez, joeydeleon
More Videos
Most Popular