Filtered By: Showbiz
Showbiz

Dingdong Dantes ex-gf Antoinette Taus in town for a visit; looking forward to meet Marian Rivera


 

May tatlong linggo nang narito sa Pilipinas ang dating teen actress-singer na si Antoinette Taus.

Nakilala nang husto si Antoinette sa youth-oriented series na T.G.I.S. at nagbida rin sa ilang mga pelikula ng Viva Films.

Si Antoinette din ang unang showbiz girlfriend ni Dingdong Dantes, bago pa naging kasintahan ng Kapuso Primetime King sina Karylle at Marian Rivera.

Nakausap ng PEP.ph (Phillippine Entertainment Portal) si Antoinette sa isang magazine event noong Martes, February 18, sa 71 Gramercy, Makati City.

DINGDONG & MARIAN. Gusto ba niyang makita ulit ang kanyang ex-boyfriend na si Dingdong?

Sagot ni Antoinette, “Oo naman, okey naman kami. 

“We’ve been good friends ever since, noon pa na naka-meet pa lang niya si Marian [Rivera, Dingdong's boyfriend]. 

“Parang he told me about her, na he met this girl nga raw.

“So, I’m happy na nagkatuluyan talaga sila and masaya pa rin sila ngayon, I heard.

“Hindi pa kami nagmi-meet ulit [ni Dingdong]. 

"I’m looking forward to seeing him.”

Hindi ba siya nanghinayang na nawala si Dingdong sa kanya?

Sagot ni Antoinette, “I think everything in life happens for a reason, wala namang bitterness.

“Okay kami, we’re friends.

"Masaya na siya. Masaya na rin ako.”

May boyfriend daw si Antoinette ngayon sa States—isang Pinoy na doon na lumaki pero very Filipino pa rin daw ang family values.

Sambit niya, “Ewan ko kung bakit, gusto ko pa rin ng Pinoy.”

Kahit kailan daw ay hindi pa sila nagkita ni Marian.

"But I’m looking forward to meeting her... sana pansinin niya ako!" sabay tawa ni Antoinette.

Habang kausap namin si Antoinette, napansin naming may hawig ito kay Marian sa ilang anggulo ng kanyang mukha.

Sumang-ayon naman dito si Antoinette.

Aniya, “Actually, ang daming nagsasabi, dati pa.

"Si Dong, nabanggit na 'yan dati pa.

“I’m flattered, sobrang ganda kaya niya, dyusko! 

"'Di ba, yung soap opera niya [Carmela], 'ang pinakamagandang babae'?

"So, kung kamukha ko siya, flattered ako, thank you. 

"Nagagandahan ako sa kanya." -- Rey Pumaloy, PEP