Filtered By: Showbiz
Showbiz
DJ Kat Alano's Facebook and Twitter posts about rape create buzz
Naging usap-usapan sa social media ang sunud-sunod na tweets ng radio disc jockey na si Kat Alano tungkol sa isyu ng rape.
Nitong Martes ng gabi, January 28, naging trending topic pa sa Pilipinas ang pangalan ni Kat.
Nagsimula ito dahil sa post na ito ni Kat sa kanyang personal Facebook account noong January 25, Sabado:
@katalano“Justice from the universe. Thank you. After 9 years. Karma people. Don’t ever underestimate it. Just be patient. The truth will always come out.”
Sinundan pa niya ito ng Facebook post tungkol sa rape noong Linggo, January 26:
@katalano“I think it’s quite appalling how people are so quick to defend those accused of rape. This is why so many people get raped. This is not the first time people. That’s a fact.”
IS THERE A CONNECTION? Walang pangalan na binanggit si Kat kung sino ang pinaparinggan niya sa kanyang posts na ito.
Ngunit agad iniugnay ng ilang netizens ang mga mensaheng ito ni Kat sa kasalukuyang isyu ng pambubugbog sa aktor na si Vhong Navarro.
Isang Twitter user ang nag-post ng ganitong tanong: “Is Kat Alano suggesting that she has been victimized by Vhoong Navarro? Hmmm.”
Sa kinasasangkutang kontrobersiya ngayon ni Vhong, inakusahan ang akor ng "attempted rape" ng modelong si Deniece Cornejo at ng negosyanteng si Cedric Lee.
Ang anggulong ito raw ang dahilan kung bakit nagpa-police blotter ang grupo nina Deniece at Cedric laban sa Kapamilya actor-TV host.
Samantala, sa “Showbiz Bro” segment ng radio show ni DJ Mo Twister na Good Times With Mo—na nai-upload sa YouTube ng user na si Jayson Maglinaw kahapon, January 28—napag-usapan din ang mga naturang post ni Kat sa Facebook.
Co-host ng programa si Kat tuwing Huwebes.
Ayon kay DJ Mo, bagamat may posibilidad na maiugnay ang mga post ni Kat sa isyung kinasasangkutan ngayon ni Vhong, pinaalala nito sa kanyang mga tagapakinig:
“Let’s be clear, she didn’t say the people’s names involved.
“But because it’s timely of what’s going on, it just makes it eerie.
"That’s the word I’ll use, or mysterious or coincidental.”
“WE WILL PREVAIL.” Sa kabilang banda, sa kanya namang Twitter account ay naging sunud-sunod na ang post ni Kat tungkol sa isyu ng rape.
Ito ang Twitter post ni Kat noong January 26, Linggo:
@katalano : "Why is it people are so quick to defend rapists and demonize the victims? Open your eyes people."
Noong January 26 nagsalita si Vhong sa Buzz Ng Bayan tungkol sa nangyaring pambubugbog sa kanya.
Ito naman ang post ni Kat noong January 27, Lunes:
@katalano : Be brave. We are beside you. Be strong. We will prevail.
Noong Lunes nagpa-interview sa media si Deniece Cornejo upang pabulaanan ang mga pahayag ni Vhong, at iginiit ang tangkang panghahalay sa kanya ng aktor.
Sa panayam ni Deniece sa 24 Oras, sinabi niyang hindi raw ito ang unang pagkakataong may inabusong babae si Vhong.
Aniya, “Nalaman ko lang po sa mga kaibigan ko na may history din po.
“Nag-text din po sa akin yung mga random people na nagpapasalamat po sa akin dahil mga minanyak din po, minolestiya, yun po, ni ano, ni Vhong.”
Isang Twitter follower naman ni Kat, na may username na @beanne_samarita, ang nag-post ng mensaheng ito: “Obviously she's a friend of either Cedric or Deniece. :)”
Iginiit naman ni Kat na wala siyang kaugnayan sa kahit sino man kina Cedric at Deniece.
Sabina Samarita @beanne_samarita
@qqrla @katalano Obviously she's a friend of either Cedric or Deniece. :)
@beanne_samarita @qqrla I don't know either of them. Be careful what you say 'obviously' about.
Nitong Martes, January 28, ay nag-post muli si Kat ng mga mensahe patungkol pa rin sa rape:
@katalano : "Read about rape and the effects it has on its victims and who the predators usually are. People here are very misinformed."
@katalano : "So many people don't know what rape is!! Akala niyo ba rapists are a certain type of people? RAPISTS CAN BE ANYONE."
@katalano : "For those messaging me. The truth will prevail. Be patient."
Ed's Note: Kinokontak na ng PEP ang kampo ni Vhong para kunin ang reaksiyon nila tungkol dito. Bukas ang PEP sa panig ng lahat ng sangkot sa isyung ito. -- Nerisa Almo, PEP
More Videos
Most Popular