Filtered By: Showbiz
Showbiz

How Jessa Zaragoza and Dingdong Avanzado keep the flame alive


Gaganap bilang isang kontrabida si Jessa Zaragoza sa bagong early primetime series ng GMA na “Paraiso Ko’y Ikaw.”
 
Sa mga nagawang teleserye ni Jessa sa Kapuso network—tulad ng “Rosalinda,” “Kokak,” at “Cielo de Angelina”—ay mababait ang mga role niya.
 
Ngayon lang daw siya magpapakamaldita dahil sa role niya bilang kaibigan ni G Tongi, na gumaganap bilang Regina.
 
Sabi ni Jessa, “Na-realize ko nga na 'yung mga nagawa kong mga teleserye dito sa GMA-7, puro mababait ang role ko.
 
"Never pa pala akong naging kontrabida.
 
“Kaya noong ibigay nila sa akin ang role as Yvette na kasabwat ni Regina sa mga kasamaan, tinanggap ko na.
 
“Para maiba naman sa mga dati kong roles na mabait, inaapi, at paiyak-iyak.
 
"This time, magpakakontrabida naman tayo for a change, 'di ba?”
 
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jessa sa press launch ng “Paraiso Ko’y Ikaw” sa GMA Network Center noong January 21.
 
Na-miss daw ng tinaguriang Phenomenal Diva ang umarte sa isang drama series dahil naging kabilang na siya sa cast ng comedy series na “Pepito Manaloto.”
 
“Masyado na kasi akong nag-e-enjoy sa 'Pepito Manaloto,' e, baka nakalimutan ko nang mag-drama!” tawa niya.
 
“Pambalanse rin ang pagtanggap ko ng 'Paraiso Ko’y Ikaw.'
 
"On weekdays, may drama ako. Tapos sa weekend naman ay may comedy.
 
“Gusto ko 'yung iba-iba ang mga ginagawa ko when it comes to acting.”
 
Singing career
 
Inamin ni Jessa na dahil sa trabaho niya sa TV ay hindi na niya masyadong nabibigyan ng atensiyon ang kanyang singing career.
 
Pero kapag naiimbitahan naman siyang mag-show, lalo na sa regional shows ng GMA-7, ay sumasama siya dahil nami-miss na rin niyang mag-perform.
 
Saad niya, “Matagal din akong hindi nagkakaroon ng show kasi more on acting tayo ngayon.
 
“Pero kapag may opportunity na papakantahin ako, okey lang sa akin kasi 'yun naman ang first love ko, e.
 
"Miss na miss ko ang mag-perform sa malaking crowd.
 
“Hindi rin naman ako nawawalan ng mga offers na mag-show here and abroad, pero depende sa schedules ko rin.
 
"Kapag babangga sa tapings ko, hindi ako puwede.”
 
Kapag may singing engagement nga si Jessa, hindi puwedeng hindi niya awitin ang kanyang phenomenal hit song na "Bakit Pa?"
 
Hanggang ngayon daw ay special request iyon ng mga nakakapanood sa kanya.
 
“Oo naman, ang walang kamatayang 'Bakit Pa?'
 
"Up to now, nakikilala nila ako dahil sa song na iyon.
 
“Siyempre, pinagbibigyan ko sila dahil iyon ang gusto nila. Kung hindi naman dahil sa song na iyon, hindi ako makikilala.
 
“Kaya kahit na paulit-ulit, okey lang kasi iyon ang nakakapagpasaya sa mga nanonood sa atin.”
 
Vice governor's wife
 
Kapwa abala si Jessa at ang mister niyang si Dingdong Avanzado.
 
Kung si Jessa ay busy sa kanyang showbiz career, si Dingdong ay nanunungkulan ngayon bilang vice governor ng probinsya ng Siquijor.
 
Pero ayon kay Jessa, sa kabila nito, nagagawa pa rin naman nilang makapag-date lalo na kapag libre ang schedule nilang dalawa.
 
“Based naman dito sa Manila si Dingdong.
 
"Siguro nasa Siquijor siya mga once or twice a week lang.
 
"Kapag kailangan din siya doon, may mga biglaang lipad siya dun.
 
“Otherwise, nandito naman siya at hindi naman kami nagkakalayo.
 
“Ako rin naman, busy rin kaya naghahanap kami ng libreng araw para makapag-date kami.
 
“Kasi sa sobrang hectic ng schedules naming dalawa, kailangan din namin mag-unwind paminsan-minsan.
 
“Nagagawa na naming makalabas na hindi na sumasama ang anak naming si Jayda.
 
"Before kasi, laging sumasama ‘yan.
 
"Ngayon kasi dalagita na at may sarili na siyang mga kaibigan kaya ayaw nang sumama sa mga lakad namin.”
 
Ang pagde-date daw ang sikreto nila kung bakit matatag ang kanilang samahan hanggang ngayon.
 
“Hindi dapat nawawala ang pagde-date sa mag-asawa.
 
“Iyon kasi ang time ninyong mag-bonding at mag-usap. At hindi lahat tungkol sa trabaho ang pag-uusapan ninyo.
 
“Kailangan kinikilig pa rin kayo sa isa’t isa. 'Yung magic ng samahan ninyo ay dapat nandoon pa rin at hindi mawawala.
 
“Kaya nga para pa rin kaming mga teenagers na pa-date-date kapag may time,” sabi ni Jessa. Pep.ph