Filtered By: Showbiz
Showbiz

Camille Prats asked for 'sign' from late husband for her decision to accept new love




Naramdaman daw ni Camille Prats na tapat at totoo ang intensiyon para sa kanya ng non-showbiz boyfriend niya ngayong si John Yambao.

Sabi ni Camille, “Yun naman ang mahalaga sa akin.

“Nararamdaman mo naman siguro o mararamdaman ko naman siguro sa isang tao kung yung intensiyon niya sa ‘yo e maganda o kung totoo.

“Kung playtime lang, huwag na lang ako. Parang iba na lang.

“Kasi, hindi ko rin naman priority na magka-lovelife, masaya naman ako.

“But his intentions were real. He was very consistent also.

"And I really felt na talagang pinilit niya ang sarili niya na I want to be part of your life." 

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng entertainment press si Camille sa press conference ng The Borrowed Wife, sa 17th floor ng GMA Network Centernoong Martes, January 14.

THE SIGNS. Naniniwala si Camille sa “signs.” At isa raw yun sa hiningi niya sa Diyos.
Kuwento ni Camille, “When my husband passed away, siyempre may mga nanliligaw.”

Pumanaw ang asawa ni Camille na si Anthony Linsangan nung September 23, 2011, dahil sa sakit na nasopharyngeal cancer.  

Patuloy niya, “So, every time I’ll go home, kinakausap ko siya [Anthony]. Na parang… Ano ba naman yun? ‘Kaloka! Parang out of the blue, I would talk to him.

“Siguro, dahil din nasanay ako na palaging may nakakausap. Parang I just made the habit out of it.

“Parang noong time na yun, ang hiningi ko yatang sign sa kanya, sana may makita akong sign na puti.

"Kasi, bago ko siya mapangasawa, it was Valentine’s Day and I asked for a sign.

“So, sabi ko, kung sino ang magbibigay sa akin ng puting bulaklak, yun ang mapapangasawa ko.

“Boyfriend ko pa lang siya nun.

"And there were also other people na kahit may boyfriend ako, nagpapakita ng intensiyon.

“Tapos, naisip ko noon, kung bibigyan niya ‘ko ng bulaklak dahil Valentine’s Day, it would always be pink, kasi that’s my favorite.

"And that’s the kind of flower that he always gives me.

“So, noong Valentine’s na, nauso noon ang mga sign-sign, nakiuso lang ako. Malay ko ba, di ba?

“E, pagdating niya sa bahay, wala siyang bulaklak.

"E, banda siya sa Manila, dadaan siya sa Dangwa."

Isang popular na bagsakan at bilihan ng iba’t ibang uri ng bulaklak na pangregalo ang Dangwa o Dangwa Flower Market na matatagpuan sa Sampaloc, Maynila.

Patuloy ni Camille, “Sabi ko, ‘Hindi mo ‘ko binilhan ng bulaklak?’

“Dangwa talaga! At alam ko yun dahil kapag bumili siya, marami bilang wholesale dun, di ba?

“Tapos, wala… So, napu-frustrate na ‘ko. Tapos, we ate out, may mga pink na flowers sa center table.

“Sabi niya, ‘Gusto mo, ‘yan na lang bigay ko sa ‘yo, e.’

“Sabi ko, ‘Ay, hindi! Bumili ka. Bigyan mo ‘ko ng bulaklak!’

“Pagkatapos ng movie, sarado na ang flower shop.

“So, noong umuwi ako, sabi ko, maybe it’s not real. Since nakiuso lang naman ako sa mga signs-signs.

"O baka naman hindi ako sincere that’s why it wasn’t given to me.

“Tapos noong nasa bahay na kami, nagbihis ako ng pajama.

"Pagbaba ko, sabi niya, ‘O, pikit ka, may ibibigay ako sa ‘yo.’

“Sabi ko, ‘Ayoko nga. Baka butiki ‘yan!’ Takot kasi ako sa butiki.

“Tapos, binuksan niya ang palad niya, nakalagay dun, santan na puti na binunot niya sa backyard namin.

“Kinilabutan talaga ‘ko nun!

"Tapos, naisip ko, oo nga naman, puti nga naman siya, flower,."

Katulad sa naging asawa niya, pareho rin daw ang hininging sign ni Camille sa boyfriend niya ngayong si John.

Aniya, “Ang hiningi kong sign, ganun din.

“Hindi bulaklak. Anything that is white. It could be a balloon.

“Siyempre, yung mararamdaman ko. Makilala nga lang.

“Sabi ko kay Lord, ‘Bigyan Mo na ‘ko ng sign. I don’t know how, I don’t know when. Just make me feel that it’s a sign.’

“Mararamdaman mo kasi yun. Kapag wala e dinedma mo ang sign. Hindi siguro yun.”

Kuwento pa rin niya, “Yung kay BJ [palayaw niya kay John], a lot of people are saying na may resemblance siya kay Anthony.

“But when we started talking, hindi kami magkasama. Magkalayo kami. 

“He was in the States. We were only Facebooking and texting.

"So, when nag-i-start yung friendship, hindi ko siya nakikita.

“So, I cannot say that I started liking him physically, because of how he looks.

“No, I started becoming friends with him, because of how he was with me. Not on how he looks like.

“We weren’t physically together.

“So, it’s all in social network. Viber, Facebook, other things.”

Pero kaklase raw ni Camille noong elementary si John.

“Noong Grade 2,” banggit niya.

“Nagkita kami, twenty years later. Matagal.

"Pero nagkakilanlan kami siyempre and it was the first time that he said, ‘Tatawagan kita.’

“First time naming mag-usap after three weeks of texting.

"So, first time kong maririnig ang boses niya.

“I was at home in Alabang and it was around 12 midnight.

“So, nate-tense ako—bakit siya tatawag? Ano ang pag-uusapan namin?

"We don’t have anything in common. I don’t know what to talk about.

"So, lumabas ako, ganyan…

“Tumawag siya, he called me. Nasa garden ako.

"May dull moment kasi, we didn’t know what to talk about.

“There was a white butterfly circling me the whole time.

"As in, paikut-ikot lang siya sa akin. As in, papansin siya.”

Hindi ba niya naisip na baka ang asawa niya ang paru-paro?

“Could be,” sagot ni Camille.

“But it was the sign that I asked for.

"I told him to give me something na white,” ang paghingi ng sign sa namayapang asawa na si Anthony ang ibig niyang sabihin.

Magkaibigan pa lang daw sila ni John noong panahon na yun.

Hanggang sa umuwi na raw ito ng Pilipinas.

Sabi ng aktres, “He had to come here so we can finally figure out what it is.

“Kumbaga, it is a process. Hindi siya biglaan.

"Hindi siya basta-basta na lang dinesisyunan.

“It was a process and it was an easy process.”

PLAN FOR A WEDDING SOON? Gaano na sila katagal may relasyon?

Tugon niya, “I cannot really say the exact time frame.

"Kasi, ang binilang namin, when we started talking until now.”

Pero ayon kay Camille, may isang taon na rin sila at sigurado na siya sa boyfriend.

Wala na raw siya sa puntong makikipaglaro pa.

Napag-uusapan na rin ba nila ang kasal?

“Yes, oo,” tugon ni Camille.

“Well, napag-uusapan, oo. Pero definite plans, wala pa.”

Nag-propose na ba ito sa kanya?

“Wala pa!” natatawang sagot ng dating child actress.

“Huwag naman nating madaliin.

"Alam niyo, at this point in my life, I am very happy.

"I am overwhelmed with all the blessings that I am getting. 

“Yung my school is transferring to a bigger place, nagpapagawa kami ng five-storey building ngayon…

“We’re very blessed na ganun din siya nabibiyayaan.

“Pagdating naman sa personal na buhay ko, wala rin naman akong masasabi dahil yung mga bagay na meron ako ngayon, hindi ko rin ini-expect pagdating sa akin.” -- Rose Garcia, PEP
Tags: camilleprats