Filtered By: Showbiz
Showbiz

New York-based celebs Beth Tamayo and Dindi Gallardo coping with polar vortex



(Photo from Facebook)

Malaking balita sa buong mundo ang pagdating ng polar vortex sa northern part ng Amerika at maging ang Canada.

Ang polar vortex ay ang matinding arctic cyclone na nanggagaling sa North Pole.

Naging target nito ang U.S., partikular ang mid-states, dahil doon dumaraan ang saksakan na lamig na hangin na sinasabayan pa ng matinding snow storm.

Ayon pa sa Wikipedia, "A polar vortex (also known as a polar cyclone, polar low, or a circumpolar whirl) is a persistent, large-scale cyclone located near either of a planet's geographical poles.

“On Earth, the polar vortices are located in the middle and upper troposphere and the stratosphere. They surround the polar highs and lie in the wake of the polar front.

“These cold-core low-pressure areas strengthen in the winter and weaken in the summer due to their reliance upon the temperature differential between the equator and the poles.

“They usually span less than 1,000 kilometers (620 miles) in which the air is circulating in a counter-clockwise fashion (in the northern hemisphere). As with other cyclones, their rotation is caused by the Coriolis effect.”

Ito na raw ang pinakamalamig na panahon na naranasan ng U.S. sa matagal na panahon.

Dalawang local actresses na based sa New York City ang nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), via private messaging sa Facebook, at tinanong namin kung paano sila nagku-cope sa sobrang lamig na dulot ng polar vortex.

Ito ay sina Beth Tamayo at Dindi Gallardo.

Matagal nang nakatira at nagtatrabaho sa Big Apple sina Beth at Dindi pagkatapos nilang iwan ang kanilang career bilang artista dito sa Pilipinas.

BETH TAMAYO. Ayon kay Beth, nahihirapan siya dahil mahina ang katawan niya sa lamig.

Pero wala naman daw siyang choice kundi ang labanan ito at magdasal na matapos na ang winter season.

Kuwento niya, “Grabe ang naging salubong ng New Year dito kasi sobrang lamig!

“So far, I am doing okay naman.

"Sobrang layering ang ginagawa ko and pag sinabing BUNDLE UP, aba'y para talaga kaming binalot na suman!

“Lahat ng exposed parts mo, gusto mong takpan.

"Some people na nakakasalubong ko, naka-face mask na nga, e.

“First time to experience this.

"Aside from the fact na winter dito kaya talagang malamig na to start with, mas grabe lang talaga yung lamig kasi may malakas na hangin [wind chill] pang kasabay.

“Wala naman talaga kaming magagawa because it’s the winter season.

"Konting months na lang naman at spring na—so we are looking forward to that, or you can say we can't wait for that!”

Araw-araw pumapasok sa trabaho si Beth, at tiis na lang daw ang isuot ang patung-patong na mga damit.

“I go to work every day, so like what I've said, dressing up in layers helps.

“Then, if hindi naman necessary to go out, I'd rather stay indoors just to spare me from the cold.

“Thank God may heater din sa place ko. So closed muna lahat ng windows,” saad niya.

Nag-aalala nga raw ang ilang family members at kaibigan ni Beth para sa kanya. Dasal nila ay ayos ang lagay nito sa New York.

“I got some FB messages from family and friends, nangangamusta lang.

“Alam din kasi nila na mahina ako sa cold weather, e..

"Sabi ko naman, no need to worry, ok naman ako.

"Trying everything we can to stay warm."

DINDI GALLARDO. Ang former Bb. Pilipinas-Universe namang si Dindi ay inamin na nasanay na siya sa lamig tuwing winter season sa U.S.

Pero kakaiba raw ngayon ang lamig dulot ng polar vortex.

Aniya, “Grabe ang lamig! Suko na ako!

“I've experienced -18F almost 10 years ago, pero this one was only -10, but arctic!

“But we are all getting by okay.

"Just as long as we all stay warm inside our homes, everything will be fine.

“But of course, we are praying for warm weather to come soon.”

May plano raw si Dindi na magbakasyon ulit sa Pilipinas.

“I might visit again this year. Baka hindi na ako bumalik ng Amerika!” biro niya.

Mabuti na lang daw at sa New York City din based ang kanyang buong pamilya, kaya mabilis silang nagkakausap.

Dalawang taon nang kasal si Dindi sa American na si Eric Scot Mills.

Kumusta naman ang kanyang married life?

Sagot niya, “Married life is great—it has its challenges. But I'm happy!” -- Ruel J. Mendoza, PEP