Filtered By: Showbiz
Showbiz
Sef Cadayona denies Andrea Torres was third party in breakup with Yassi Pressman
Malamig daw ang Pasko ni Sef Cadayona, ang male lead ng Metro Manila Film Festival entry na Kaleidoscope World.
Kamakailan, inamin ng ex-girlfriend ni Sef na si Yassi Pressman na naghiwalay sila bago pa man natapos ang shoot para sa kanilang movie.
Sa parte ni Sef, pareho daw nilang desisyon ang maghiwalay.
Sinabi rin nito sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong December 23, hindi si Andrea Torres, co-star ni Sef sa Bubble Gang at SAS (Sunday All Stars), ang third party sa kanilang breakup.
Natatawang hirit ni Sef, “Bilang mahilig ako sa Ice Cream, pihadong magiging malamig nga ang Pasko ko ngayon."
Basahin: Yassi Pressman admits breakup with Sef Cadayona; says Andrea Torres partly caused it
Ang Kapuso dancer/ actor ay nakilala bilang commercial model ng isang ice cream brand.
Sa pagpapatuloy ng binata, “Wala, e. Siguro na-realize namin na we are not meant to be, kaya we decided na maghiwalay na lang."
Gaano ba katagal ang naging relasyon niyo?
“Matagal din, almost two years, matagal-tagal din."
Salungat ito sa sinabi ni Yassi na "seven months" silang naging mag-on.
NO THIRD PARTY. May pinagselosan ba kaya sila naghiwalay ni Yassi?
Mabilis na sagot ni Sef, “Wala naman, ang guwapo ko naman. Ang napapabalita nga meron daw, pero wala naman so far."
Sa part ni Yassi?
“Wala rin naman, wala naman ako nababalitaan. Imposibleng meron din siya, kasi kilala ko naman siya, malabo talaga yung mangyari.
“May tiwala naman ako sa kanya.
“'Tsaka yung breakup namin, mutual decision namin yun. Pareho talaga naming gusto.
“Bale nung ginawa namin yung Kaleidoscope, dun naging kami after a year. 'Tapos nung patapos na yung shooting ng movie, sabay na ring nagtapos yung relasyon namin.
“Pero ano, marami na rin namang nangyari after the movie, pero okay naman kami.
"Natatawa nga ako kasi pati si Andrea, nadamay e hindi naman totoo, dahil kaibigan ko lang si Andrea.
“Siguro kasi hindi naman alam ng marami kung ano yung closeness naming dalawa, kaya siguro yung nakita kaming magkasama e yun na yun."
Nagkausap na ba sila ni Andrea?
“...bago pa lang siya mag-Ka-Blog at kalalabas ko pa lang ng Starstruck, may common friends na kami outside of GMA.
“Kaya nga nung lumabas yung balita, nag-usap kami 'tapos nag-sorry ako sa kanya kasi nadawit yung pangalan niya. Naintindihan naman niya bilang magkaibigan kami.
BREAKUP IS NOT A GIMMICK. May mga nagsasabing ang balita tungkol sa paghihiwalay nila ay for publicity sake.
“Ay hindi po, inamin ko na po talaga."
Ano ba ang reason? Na-fall out of love ba sila sa isa't isa?
“Puwede pong ganun na nga ang nangyari sa amin.
“Pero after naman ng breakup, napag-usapan namin na hindi mawawala yung pagkakaibigan namin, kasi doon po kami nagsimula."
MMFF ENTRY. Dahil busy siya sa pagpo-promote ng Kaleidoscope, hindi raw siya gaanong nakakaramdam ng lungkot.
Nagkuwento si Sef tungkol sa naging karanasan niya noong Parada ng Bituin.
“Ay, oo, grabe. Nung una, kinakabahan ako, siguro kasi, bilang first timer ko din sa film fest at sumakay ng float doon sa parada.
"Hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon ng mga tao dun sa makikita nilang float bilang hindi naman commercialized yung movie namin. Independent kasi, directed by Liza Cornejo.
“So ang tira ng promo, puro social media. So parang ako, kinakabahan ako 'tapos siguro na-bless kami ni God that day nang matindi kasi yung tao, nagulat ako kilalang-kilala nila pangalan ko, alam nila yung pelikula."
Malaking bagay daw na may kinalaman ang istorya kay Francis Magalona.
“...yung music niya, kaya yung mga tao nung pinatutugtog namin yung kanta niya, sumasabay.
“So, nawala yung takot namin na baka walang kumilala sa amin, 'tapos parang lahat, sumisigaw sa amin ng 'poster, poster.'"
Kinakabahan ba siya dahil ang mga makakabangga nilang pelikula ay malalaki?
“Siyempre, ang sabi nga naman po namin, like ako personally, hindi ako makikipaglaban bilang it's my entry 'tapos baguhan lang naman po ako.
"Yung exposure lang na natanggap namin, sapat na yun."
Sino ba ang target market ng pelikula nila?
"Actually ang reach kasi ng pelikula, mostly mga kids and teenagers, e.
“Gusto ko lang talagang mapanood nila dahil ano 'to e suntok sa buwan 'to, e.
“Gagawa kami ng pelikula about sa sayaw 'tapos ang gagamitin naming reference sa istorya, Francis Magalona, so mabigat on our side na gawin yun."
Isang "musical drama" ang Kaleidoscope, na ayon kay Sef, "malayo sa ginagawa kong pagpapatawa."
Dugtong niya, “Ang nangyari po kasi, imbes na kuwento, sayaw. Nilapat siya doon sa eksena.
"Musical po talaga biglang magkakaroon ng drama 'tapos biglang may papasok na kanta ni Francis M., doon magsasayawan yung mga tao."
Showing na ngayon ang pelikula sa mga sinehan. -- John Fontanilla, PEP
Tags: sefcadayona, yassipressman
More Videos
Most Popular