Filtered By: Showbiz
Showbiz

Chris Tiu, ipinaliwanag kung bakit sa Vancouver, Canada sila ikinasal ng girlfriend na si Clarisse Ong



 
(Pagkatapos ng labindalawang taon ng pagiging magkasintahan ay nagpakasal sina Chris Tiu at Clarisse Ong sa isang simpleng seremonya sa Vancouver, Canada noong September 8.
Photo: Noel Orsal / Instagram
)
 
Nag-taping na muli ang PBA player-TV host na si Chris Tiu ng kanyang infotainment show sa GMA, ang iBilib, noong Martes, Oktubre 8.

Sabi ni Chris sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), kailangan niyang isantabi muna ang honeymoon nila ng kanyang misis na si Clarisse Ong dahil kailangan na niyang bumalik sa trabaho.

Ikinasal si Chris sa kanyang longtime girlfriend na si Clarisse, noong September 7, sa Vancouver, Canada.

Sabi ng 28-year-old cager-TV host, “Right after the wedding, bumalik na kami kaagad, kasi back to work—hindi lang sa basketball, pati sa business.

“Ang dami na ring trabaho na nakatambak, saka sa show ko siyempre.”

Si Chris ay player ng koponan ng Rain Or Shine sa Philippine Basketball Association (PBA).

THE WEDDING IN CANADA. Ipinaliwanag na rin ni Chris kung bakit sa Canada sila nagpakasal ni Clarisse, at kung bakit September 7 ang pinili nilang wedding date.

Aniya, “Canada is one of our favorite countries, and cities, in Vancouver.

“We spent sometime there before, have special memories, and it was such a beautiful city.

"We wanted a destination wedding, so we had it there.”

Pareho sila ni Clarisse na relihiyoso at aktibo sa kanilang church, kaya gusto sana nila ang petsang September 8, ang kaarawan ni Blessed Virgin Mary, ang maging araw ng kanilang pag-iisang dibdib.

Kaya lang, hindi ito nasunod, at naging September 7.

Kuwento ni Chris, “I come from a Chinese family, and siya rin. So, may basic feng shui na sinusundan.

“Iniwasan talaga namin yung ghost month, which is between August to early September.

"So the date we really wanted was September 8, kasi birthday ni Mama Mary.

“Hindi na kami nagpa-feng shui dun, basta we know it’s gonna be a good day, you can’t go wrong."

Patuloy niya, “Unfortunately, sa Canada, September 8 fell on a Sunday.

“Sundays are for the parishioners, for the community, so walang weddings na nagaganap tuwing Sunday.

"So, we chose the next best date, the next most practical date—which is September 7.”

SIMPLE WEDDING. Ayon pa kay Chris, simpleng kasalan lang ang naganap.

Kumuha lang daw sila ng dalawang pares na ninong at ninang, na mga kamag-anak din naman nila.

“We had two pairs lang, it was a very intimate wedding,” simula niyang pagsalarawan ng kanilang kasal.

“Isa sa side ko, ang older brother ng dad ko, at ang older sister ng dad ko—na ninang ko rin from baptism.

“Tapos, sa side niya naman, ganun din, isang brother ng mom niya at sister ng dad niya.

“Talagang family lang.

"The reason why we chose them, because they were our closest uncles and aunts.

"And we know that they will take care of us, through thick and thin. Saka they are good role models to us.”

Sa sobrang tuwa, parang naiiyak na raw si Chris, pero pinipigilan daw niya.

Hindi raw naman napigilan ni Clarisse na maiyak nang nakita nito ang yaya niyang matagal nang nanilbihan sa kanilang pamilya at nagpalaki sa kanya.

Lahad pa ni Chris, “Parang di mo pa rin ma-describe yung feeling, yung tuwa mo, yung ligaya mo, na you gonna spend the rest of your life together.

"And the ceremony was witnessed by your closest family and friends in the eyes of God."

FIRST AND LAST. Ipinagmamalaki ni Chris na si Clarisse ang first at last girlfriend niya.

Umabot ng 12 years ang kanilang relasyon bilang magnobyo bago sila nagpakasal.

Sabi niya, “Nakita ko kasi na talagang iba yung connections namin. We really get along well.

"Throughout in twelve years we’ve been together, hindi pa rin nagbabago, lalo pang nagiging close kami at tumitindi ang pagmamahal.

“But then, also, nakita ko sa kanya na she’s really a person na may substance and maprinsipyong tao talaga.”

Kaya kahit hanggang ngayon, parang hindi pa rin daw siyang makapaniwalang kasal na sila, at naging maayos ang seremonya ng kanilang pag-iisang dibdib.

“Of course, priorities will change; more time for the wife and family.

"But I dont see any problem with what I’m doing.

"Lalo na sa iBilib, I’m a TV host, hindi naman ako actor na may loveteam, hindi naman yung show ko na teleserye,” sabi ni Chris. -- Gorgy Rula, PEP
Tags: christiu