Filtered By: Showbiz
Showbiz

Lauren Young gaganap sa 'Dormitoryo'


Si Lauren Young ay gaganap bilang Hazel Mendoza sa bagong weekend serye ng GMA-7 na “Dormitoryo.” Mapapanood ito simula September 22, pagkatapos ng Sunday All-Stars.
 
Kuwento ni Lauren sa presscon ng “Dormitoryo” noong September 11 sa GMA Network, “[Ang karakter ko] po ang bagong dating sa dorm and for some reason, attracted na attracted siya na may isang babae, si WynWyn [Marquez], kung bakit siya namatay.
 
“For the first few episodes, naghahanap siya ng reason, naghahanap siya ng clues.”
 
Siya ba ang makaka-solve ng misteryo?
 
“Yun ang hindi natin alam at ang maganda rin po kasi, hindi natin alam, parang ang daming puwedeng mangyari. We don’t know if she kills herself. If accident or pinatay siya. So, maraming mga loopholes and endless possibilities.
 
“At may love interest din siya, si Enzo [Pineda] at saka si Ruru [Madrid] na ang weird, magkapatid sila, pero may gusto sila sa isang babae. At ang pinaka-nagustuhan ko sa Dormitoryo, every episode, may lalabas na isang misteryo, so every week, may aabangan ang mga tao.”
 
Sa "Dormitoryo", kahit marami sila sa cast, base sa kuwento, tila siya talaga ang lumalabas na bida.
 
“Ganun?” nakangiting sabi ni Lauren.
 
“Masaya, but, I see it as ensemble kasi, e. Kung wala yung isang actor or character, hindi siya magwo-work the way that it’s supposed to work. So, I don’t see it na I’m the lead star, I’m the top billing, kasi, poster pa lang, makikita mo na it’s all of us naman.
 
“So, lahat naman kami, may kanya-kanyang moment to shine and to show our ability as actors. So, I’m only happy kasi nabigyan ulit ako ng opportunity ng GMA to show my talent as an artist and to improve on my talents.” 
 
Mula sa pagiging kontrabida sa “Mundo Mo'y Akin”, mabait naman daw siya ngayon sa “Dormitoryo.”
 
“It’s good, kasi, iba naman ang gagawin ko. Siyempre, ayoko naman na from the beginning na palagi kong sinasabi sa inyo, ayoko na palagi akong kontrabida, kontrabida, I want to be able to switch from being kontrabida to the protagonist, antagonist.
 
“Siguro, it’s also a testing to see kung saan talaga ako magwo-work. Kung bagay ba sa akin ang mabait o bagay ba sa akin ang hindi mabait.”
 
“Masaya kasing maging kontrabida. Sobrang sayang maging kontrabida na inaapi-api mo yung mga tao.  At saka, it’s challenging because you make the people hate you and if you don’t make the people hate you, parang hindi mo ginagawa ng tama ang trabaho mo.” – Pep.ph