
Bahagi na ng Viva Artists Agency (VAA) ang dalawang anak ni Benjie Paras na sina Andre at Kobe. Pumirma ang dalawa ng five-year commercial and endorsement contract sa Viva office nitong Huwebes, July 25. Present sa contract signing si Benjie at ang asawa nitong si Lyxen Diomampo, at ang manager ni Benjie na si Lolit Solis. Paano nakumbinsi sina Andre at Kobe na pumirma sa VAA? Kuwento ni Benjie, na tumatayo ring manager ng dalawa niyang anak, "Na-contact ako ni Sir Vincent [del Rosario]. “Actually, we were batchmates sa San Beda High School, so matagal na kaming magkakilala. "And then, nung sabihin nga sa akin ni Vincent na kung puwede ngang kunin for endorsements ang mga bata, hindi naman ako nagdalawang-isip. “Of course, pumayag na ako. Nag-consult din ako sa manager ko, si Nay Lolit. "Yung pinirmahan namin, for commercials and endorsements, five years yun." Lumalabas na hindi pa full-time ang pagpasok nina Andre at Kobe sa showbiz. Paliwanag ni Benjie, "As of now kasi, ang flexible time lang sa dalawa ay si Andre, kasi he's in college already. “So, mas madali ang schedule. "Si Kobe, meron din, pero hindi ganun. Usually pag weekends lang… high school pa lang siya." Nang tanungin ang dalawang bagets tungkol sa pagpirma nila sa Viva ay positibo naman ang kanilang mga naging saloobin. Nakangiting pahayag ni Andre, "Ako po, I'm happy for the exposure po. “And to be a part of a well-known company, I know po na I would be in good hands. "I'm certain we're in good hands and I know we'll have a bright future po. "Yung sa acting, okay din po, as long as it doesn't bother our schedules po. “Basta I can still focus on my basketball and school po." Dagdag naman ni Andre, "Ako, when I did a commercial, I didn’t prepare for it po, kasi it's in me na, e. “It comes natural 'coz it’s in my blood as well."
READY FOR THE BIG CHANGE. Malaking pagbabago ang magaganap sa kanilang buhay ngayong pinasok na nila ang mundo ng entertainment. Iba na ang magiging dating nila sa publiko dahil unti-unti na rin silang nakikilala on their own. Ano ang pakiramdam nila? Sabi ni Andre, "Before kasi, if we were like... ano kasi, people would always refer to us as ‘the sons of Benjie Paras.’ “So, that's how we got our names po. "At least now, we can be able to make names for ourselves po. "Ako, I really wanted to start in commercials 'coz I want to save for my future po. “And now that this happens, I'm just thankful po." Kumusta naman ang adjustments nila sa pagbabagong ito sa buhay nila? Ngayong hindi na lang sila basta anak ng dating PBA superstar? Sagot ni Andre, "It's just there po. It's not yet sinking sa akin po. I don't feel pa the pressure yet. "But I know, one day, it will be like that po."
THE PRESSURE. Napi-pressure na rin ba sina Andre at Kobe na naikukumpara sila sa kanilang ama, na isang basketball hero nung kapanahunan nito? Sinalo ni Benjie ang pagsagot. Aniya, “Actually, sila ang napi-pressure kasi they are being compared to me as an athlete. So, yun yung medyo sila nahihirapan." Bilang ama ng dalawang potential basketball superstars, paano naman niya sinusuportahan ang kanyang mga anak? Pahayag ni Benjie, "Like when they were starting to play basketball, hindi pa sila ganoon katangkad nung sila ay nasa grade school. “So, way ahead sa kanila ang mga nakakatanda sa kanila. "So, parang feeling nila ay naa-out of place sila. 'Ba't gano'n, Dad? Ba't hind kami napapansin? Hindi kami binabarkada.’ "Sabi ko, 'Antay lang kayo ng ilang taon.’ "True enough, pagkalipas ng ilang taon, sila na ang tumangkad, sila na ang sinasamahan dahil sila na ang medyo kailangan sa basketball. "And then, tinatanong nila, 'Dad, ba't ikaw, nakaka-dunk ka, ba't kami hindi? Ano ang gagawin namin?' "Sabi ko, 'Antay din uli kayo.’ “Yun, proper training and, eventually, sila na ang gumagawa." --
Glenn Regondola, PEP