Filtered By: Showbiz
Showbiz

Lian Paz answers rumored romance with Cebuano cager


Nakarating ang impormasyon sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na inaayos na raw ang pagpapawalang-bisa ng kasal ng aktor na si Paolo Contis at ng former EB Babes member na si Lian Paz, matapos nilang mapagkasunduang maghiwalay noong nakaraang taon. Nakunan ng pahayag si Lian noong Martes ng hapon, July 9, sa story conference ng Prinsesa ng Masa, ang bagong drama series nila sa GMA-7 kung saan makakasama niya sina Aljur Abrenica at Kris Bernal. MUM ON ANNULMENT ISSUE. Napangiti si Lian nang tanungin tungkol sa annulment dahil ayaw raw muna niyang magkomento tungkol dito. Ayon sa dating EB Babes member, “No comment po muna ako diyan. “Kasi we want to keep things private na muna, kasi ang hirap ng pinagdaanan namin, di ba... na talagang sumabog sa showbiz, ganun.” Sabi pa nito, “You know my eldest is already in school, so ayoko na makapanood siya, tutuksuhin ng mga classmates. "So I want to keep things in private kasi much better na ganun na lang.” Nakakaintindi na raw kasi ang panganay nilang anak na si Xonia kaya mas gusto raw nilang manahimik na muna pagdating sa ganitong isyu. “Si Xalene kasi, two years old, so wala pang masyadong muwang. "Pero si Xonia, since nakakaintindi na, and I think na talagang siya yung mas naapektuhan dahil nung pa- alis ni Pao, different talaga siya. “Super-hindi nagsasalita, may mga ganung time na ganun siya, so mas better na at least he [Paolo] gets to see the kids, yun na lang muna.” Ayaw na rin ni Paolo magsalita tungkol dito, dahil mas mabuting tahimik na lang daw muna. Pero magsasalita naman daw siya sa tamang panahon. Sabi ni Lian, “Basta lahat ng desisyon namin ngayon is ano parehas naming desisyon, hindi isa lang yung nag-decide.” Ayon sa dancer turned actress, maayos naman ang samahan nila ni Paolo bilang magkaibigan. Madalas naman daw silang nagkausap tungkol sa mga bata at nadadalaw naman daw ito ng aktor. “He gets to see the kids. “Bale pag pumupunta siya, bumibisita... usually wala ako or either yung Mama niya kukunin yung mga bata then ipupunta sa bahay nila. “Tumutulong naman siya pagdating sa school ni Xonia.” ON GOOD TERMS AS FRIENDS. Diretsong sinabi ni Lian na nakapag-move on na siya nang tuluy-tuloy at malabo na ang posibilidad na pagbabalikan. Pero napapanatili naman daw ang friendship para sa kanilang dalawang anak. “Siguro friends… hindi naman mahirap gawin yun kasi may pinagsamahan naman kami. “But then again, I just don’t wanna talk about things na rin about the two of us kasi ayoko na rin maulit yung dati na it’s getting out of hand, ganun, so much better na lang. “Eto na lang, kung anong meron ngayon, present, basta happy na lang,” pahayag niya. Wala na ba siyang natitirang pagmamahal kay Paolo? Sagot ni Lian, “Ay, the feeling is ganun pa rin. “Wala na… I mean, I respect him as a person and as the father of my kids, yun na lang.” LIAN'S “SPECIAL FRIEND.” Nali-link ngayon si Lian sa isang basketbolistang taga-Cebu na nagngangalang John Cabahug. Pero ayon kay Lian, “special friend” lang ang turing niya rito. “Actually, friend ko kasi yun, e,” mabilis niyang sagot. “We went to school together in grade school, so grade six and first year high school, classmate kami, yun lang. "It’s funny, di ba? Parang after thirteen years, nagkita kayo ulit, yun. “Special friend, because basta nandiyan siya palagi to help me on anything. "Basta mabait siya and masaya ako sa company niya and sa company ng mga friends niya ganun. “We don’t go out alone. We go out with friends,” diin niya. Pag-aari ni John Cabahug ang isang skin care clinic na Skinmate na kung saan kinuhang endorser si Lian. Binata raw ito, pero may isang anak, at close daw ito sa bunsong anak niyang si Xalene. Sabi ni Lian, “Dahil siguro si Xalene, nung medyo nagkaisip-isip na, wala na si Paolo sa bahay, siguro naghahanap din talaga siya ng attachment of a dad. “So, pag minsan dumadalaw siya [John] or yung mga ibang kaibigan kong guys, talagang sumasama siya, nakikipaglaro—friendly kasi yun, e. “Yung panganay ko yung medyo supladita.” -- Gorgy Rula, PEP  
Tags: lianpaz